AKIRA CARTER.
Paano nga ba ako naging kontrabida? Kadalasan sa napapanood ko lahat ng kontrabida walang istorya. At andito ako para baguhin ang pananaw nyo na hindi lahat ng kontrabida masama.
Lahat ng kilos o galaw ay may dahilan. Hindi ka nila gagawan ng masama kung umpisa pa lang hindi mo sila nagawan ng di kaaya-aya.
Isang pagkakamali na bumago sa ugali, pananamit, itsura, at pananaw sa buhay. Pangyayaring hindi ko malilimutan. Pangyayaring tumatatak sa aking utak. Pangyayaring kailanman ay hindi malilimutan. Pangyayaring naging dahilan para ako'y magkaroon ng puot sa puso. Pangyayaring nagpagulo sa aking mundong mapayapa.
Ngunit, Sa hindi inaasahang pangyayari. Isang prinsipe ang dumating sa Isang Kontrabidang katulad ko. Prinsipeng nakapagpabago sa akin. Prinsipeng hindi inaasahan. Prinsipeng wala ng ginawa kundi ang tulungan ako. Ang ituro sa akin kung ano ang tama at mali. At ang prinsipeng syang naging aking katuwang sa pang-habang buhay.
BINABASA MO ANG
That Antagonist
General FictionThe story of Antagonist where she'd be a Protagonist on her own story