AKIRA's POINT OF VIEW
"Bakit ba natin kasama iyang Bryle nayan?" Tanong ni Blake habang nakataas ang kilay. "Pu-pwede ba? Huwag kang makielam? Natutulog ako" sabi ko at muling ipinikit ang mga mata ko.
Nakasakay na kami sa pribadong eroplano ko at papauwi na sa Pilipinas.
"Dapat kasi iniwanan nalang natin iyang Koreanong yan sa Korea" sabi ni Blake at umirap. "Kung gusto mo, ikaw nalang ang ma-iwan, pu-pwede kong ipamani-obra ang sasakyan para ihatid ka" sabi ko at muling ipinikit ang mapupungay kong mata. "At saka hindi siya koreano, Hapon siya" dagdag ko pa.
"Bakit mo ba kasi siya isinama?" Tanong nya habang inuuga ako. "Wala ka na don" sabi ko at hindi nagpa-abala.
Nang makalapag kami agad na sumalubong sa amin ang sasakyan ko.
"Saan naman matutulog iyang hapon nayan?" Taas kilay na tanong ni Blake. "Sa bahay ko, bakit?" Tanong ko. "Sa bahay mo? Nasisiraan ka na ba? Lalaki siya! Babae ka!" Sabi ni Blake. "Oh, ano ngayon? Lalaki siya, babae ako, anong problema duon?" Taas nuong tanong ko. "B-baka may mangyari s-sa inyo" halos utal na sabi niya. Tinawanan ko nalang siya dahilan para magtanong sa akin si Bryle kung anong nangyayari.
"Bakit mag-seselos ka ba?" Tanong ko sa kanya at tinutusok tusok ang tagiliran niya. "Kapag sinabi kong-oo, may gagawin ka ba?" Seryosong sabi nya. "Meron" confident na sabi ko. "Ano naman?" Taas kilay na tanong nya. "Pakakasalan kita" mapang-asar na sabi ko at hinampas siya.
"Halika ka na't nagseselos na ako" sabi niya at tumawa. Sinabayan ko na lang ang pagtawa niya hanggang sa makarating kami sa bahay ko. Pinaki-usap ko na lang sa nagmamaneho ng sasakyan ko na ihatid na lang si Blake.
"Bryle, feel at home" sabi ko at iginaya siya papasok sa bahay ko. "Ang gara mo naman! Akira!" Naka-busangot na saad ni Blake. "Sasama ko! Baka solohin ka pa nyang koreanong ugok na yan" Saad nito at tumabi sakin. "Napaka-protective mo naman!" Natatawa saad ko at ginulo ang buhok nya.
BINABASA MO ANG
That Antagonist
General FictionThe story of Antagonist where she'd be a Protagonist on her own story