AKIRA's POINT OF VIEW
"Ate, huwag mong gawin sa akin ito!" Pagmamakaawa ko. Nagbabakasakaling na hindi nya ako iwanan. "Hindi ako ang ate mo! Ilang beses ko na bang sinabi sa iyo yan?! Ampon ka!" Sigaw nya. Iniwan nya ako ng mag-isa. Wala siyang kuwentang kapatid. Hindi man lang nya inisip ang mangyayari sa akin kapag mag-isa lamang ako.
"Miss? Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?" Tanong ng isang ale sa akin. Agad ko namang sinabi na ayos lang ako. "Parang kanina ka pa umiiyak? Anong nangyari sayo?" Tanong nya. Wala na akong nagawa kundi ikuwento ang mga nangyari. "Kaya wala na akong matitirhang bahay" sabi ko at yumuko.
"Pu-pwede ka naman manuluyan sa bahay ko, tutal mag-isa lang ako" sabi nya. Kaya naman unti unti kong itinaas ang ang ulo ko mula sa pagkaka-yuko upang titigan sya. Seryoso sya sa mga sinabi nya. Masaya ko namang tinanggap ang alok nya.
Hindi nagtagal, naging malapit na din kami sa isa't isa. Itinuturing ko na rin siyang aking ina. At sa hindi inaasahan ako ay inampon nya. At kalaunan. Naging ako na si AKIRA CARTER. Ang anak ng isa sa may ari ng hotel na CARTERS HOME.
Hanggang sa isang araw, nakita ko muli ang aking kapatid. Lahat ng galit nya ay ibinuhos sa akin. Sampal, tadyak, at kung ano ano pa ang aking natanggap mula sa kanya. Wala ng mas masahol pa sa kanya.
"Tigilan mo na ako!" Sigaw ko sa kanya. Malapit ng tumulo ang mga nagbabadya kong mga luha. "Hindi kita titigilan! Dahil kasalanan mo ang lahat kung bakit namatay ang magulang ko!" Inis na sigaw nya at sinampal ako. Napahawak nalang ako aa mahapdi kong pisngi. "Wala kang kwenta!" Sigaw ko. Lalo siyang nagalit at kung ano anong pisikal na mga gawain ang ginawa nya sakin.
Masakit mang isipin na ang isang taong itinuring mong kapatid ang siya palang mananakit sayo. Pananakit na kahit kailan hindi mo malilimutan. Si Yvette ang patunay na hindi lahat ng tao ay totoo sa iyo.
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin, magugulat ka nalang lahat ng mahal mo sa buhay ay kanya kanya nang iiwanan ka" sabi ko at tumakbo habang namimilipit sa sakit.
Hindi ko na ipinaalam ang nangyari kay Mama Kaye. Ayaw ko na rin syang mag-alala at baka atakihin sya. Sa likod ng mga natamo ni Mama Kaye, madami na siyang problema ayaw ko nang dagdag yon.
Simula noon, pinag-aral na muli ako ni Mama Kaye. Ngunit sa hindi inaasahan. Naging kaiskuwela ko si Yvette. Halos sa araw araw na pagpasok ko puro panlalait at pambu-bully ang natatanggap ko mula sa kanya. Hanggang sa nakatapos ako ng pag-aaral. Natigil na sya sa pambu-bully sa akin. Natapos din ang kalbaryong pinagdaanan ko kaya panahon na para pagbayaran nya ang kasalanan nya.
—
YVETTE SANTOS/WILLIAMS
[a/n : every chapter, I'll introduce one/two characters]
BINABASA MO ANG
That Antagonist
General FictionThe story of Antagonist where she'd be a Protagonist on her own story