d o s

40 5 1
                                    

AKIRA's POINT OF VIEW

Makalipas ang 7 taon.

Ilang taon na rin ang nakalipas matapos ang mga kalbaryong nangyari sa akin. At sa hindi inaasahan, namatay si Mama Kaye kaya ako naman ang isinunod nila sa yabag nya.

Now, I am the CEO of Carters Home.

Ako na ang bagong namamahala ngayon. Hinding hindi ko bibiguin si Mama Kaye. Gagawin ko ang lahat para palaguin ito sa buong mundo. At sa loob nga ng 4 na taon. Nakapag-tagumpay ako. Nagka-access na ang aming Hotel sa iba't ibang lugar tulad ng Japan, South Korea, Canada at marami pang iba.

"Akira!" Pagpasok ng kaibigan kong si Maddison sa aking office. Todo ngisi naman syang pumasok. "Anong meron?" Tanong ko at itinaas ang kilay ko. "Yung pina-imbistigahan mo, Nakita na nang grupo namin si Yvette with his husband Yanan Williams, may anak na rin sila, si Yaten Williams. Mr. Yanan is also known as a CEO of one of the Airlines here in Philippines. Pero nabasa rin namin sa isang article na nagkaroon ng loan ang airlines nila kaya unti unti na silang nalulugi. At ayos sa iba pang nagimbestiga. Babaero si Mr. Williams, Madami na syang naging anak sa ibang babae" pagpapaliwanag ni Maddison. Sinabi ko na sa kanya ang mga ipapagawa ko at pinaalis na sya.

Dumiretso na ako sa bahay ko at inantay ang muling pagdating ni Maddison.

Tulad nga ng sabi ko pumunta sya at ikinuwento ang pagkakakilala nila ni Yanan.

"Magkita nalang tayo bukas! May ipapakilala na rin ako sayo!" Sigaw nya at kumindat kasabay ng pag-alis nya. Napairap nalang ako sa hangin habang tinatanaw sya habang pauwi.

Napaka-suwerte ko dahil nakakilala ako ng isang kaibigan na hindi ako kayang iwanan.

Si Maddison ang tumutulong sa akin sa lahat, sa pag-hanap at pag-ganti kay Yvette.

Sumakay ako sa kotse ko at binalak na puntahan ang address ni Yvette na ipinadala sa akin ni Maddison.

Pagka-dating ko. Nakita ko sila sa may gate kasama ang anak nila. Masaya naman siyang tignan. Bilang na ang mga araw nyang nakangiti kaya sulitin na nya. Hindi magtatagal masisira din ang buhay nya. Katulad ng ginawa nya sa akin.

"Daddy Yan, Mommy Yv! I want cookies!" Sigaw ng batang si Yaten at nagtatalon. Agad naman na ngumiti ang mag-asawa at tumango.

Katulad ng nasa plano ko. Dumating si Maddison habang dala dala ang isang sanggol. Bago pa man makapasok ang mag-pamilya. Agad na dinabog ni Maddison ang gate nila dahilan para magulat ang mag-asawa. Napangisi na lang ako ng makitang nagulat ang mag-asawa.

"Yanan!" Sigaw ni Maddison para maagaw ang atensyon ng lahat. "Panindigan mo ang batang ito! Kasalanan mo ang lahat ng ito! Hindi ko kayang alagaan ng mag-isa ang batang ito!" Sigaw ni Maddison. Napatingin naman ako sa mag-ina at nakitang umiiyak ang anak nila na si Yaten.

Hindi pa ako tapos, nagsisimula palang ako sa pag-ganti sa inyo kaya ihanda nyo na ang pagkawasak ng pamilya nyo.

MADDISON GRAY.

MADDISON GRAY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
That AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon