tres

28 3 2
                                    

AKIRA's POINT OF VIEW

Kinabukasan tinuloy na namin ang lakad namin ni Maddison.

"Sino na naman ba ang pakikilala mo sa akin?" Taas ang kilay na aking tanong. "Makikilala mo din siya! Huwag kang atat masyado" sabi nya at tumawa.

Sa halos 1 oras naming byahe patungo sa paroroonan namin. Nakarating din kami at saka pumasok sa isang resto.

Agad naman na may kumaway na lalaki sa amin at kasabay non ang paghila sa akin ni Maddison papunta sa upuan ng lalaki.

"I'm glad you came" sabi ng lalaki at nginitian ako. Inirapan ko nalang siya at saka isinandal ang likod ko sa upuan.

"Ano na naman ba ito?" Iritado kong tanong. "Haven't you heard the word blind date?" Natatawang tanong ng lalaki kaya naman napukol ang tingin ko sakaniya.

"Blind date? Ito? Are you dreaming? Gigisingin na ba kita sa kahibangan mo?" Inis na tanong ko at tinitigan siya. "Masyado ka namang seryoso, binibiro lang kita, hindi ito blind date kasi hindi tayo bulag" sabi nung lalaki at tumawa. "Corny asf" sabi ko at inirapan sya.

Napaka-sarap tanggalin ng mala kunehong ngipin nya at saka durugdurogin at ipalunok sakaniya.

"Bago kayo mag-away, Akira siya si Blake Vermond" pagpapakilala ni Maddison sa Blake kuno. "Blake, siya si Akira Carter" sabi ni Maddison. "The famous owner of Carters Home" sabi ko at ngumisi.

"Alam mo, ang ganda mo sana kaso mayabang ka" sabi ni Blake at tumawa. "Thank you" sabi ko at umirap.

Matapos ang pagkakakilala namin ni Blake naging maayos naman na ang ugnayan namin at napapalapit narin kami sa isa't isa.

Nag-invest rin siya ng malaking halaga para sa Carters Home.

"Bilisan mo naman! Puro ka pindot ng pindot diyan sa kompyuter mo" inis na sabi ni Blake habang inaantay ako sa opisina ko. "Manahimik ka! Patapos narin ako" sabi ko at inirapan sya.

"Lagi nalang sagabal iyang trabaho mo sa date natin" sabi ni Blake at ngumuso. Mukha siyang Ugly Duckling.

Nang matapos ko ang trabahong ginagawa ko nadatnan ko nalang si Blake na natutulog sa sofa ng opisina ko. Agad ko namang inihulog ang gamit ko dahilan para magising siya.

"Hindi ito hotel para tulug-tulugan mo lang!" Inisna sigaw ko sa kanya. Tinawanan nya lang ako at saka binitbit ang gamit ko kasabay ng pag-alis namin.

Kung saan saan nya ako pinag-dadala. At kung saan saan rin kami kumain. Nakapanood na rin kami ng pelikula.

"Nilalandi mo ba ako?" Taas kilay na tanong ko. Tumawa naman siya at sumagot. "Bakit? Gumagana ba?" Nakangising sagot nya. Napairap na lang ako habang sobra ang lakas ng tawa ni Blake.

Makalipas ang ilang oras inuwi na rin nya ako at nagpaalam na.

Hindi ko alam kung kikiligin ako. Napaka-bilis ng mga nangyayari parang kahapon lang kami nagkita tapos ngayon paalis alis nalang kami.

"Bago mo isipin iyan, isipin mo muna yung Carters Home mo sa South Korea, nagkaroon ng problema, ang mga namumuno duon ay ginugulo ang lahat" bungad sa akin ni Maddison habang nakataas ang kilay.

"Ayusin mo na ang sasakyan ko, pupunta na ako" sabi ko at inihanda na ang mga gamit ko.

Ilang oras din ang lumipas at saka lang ako nakaalis ng Pilipinas patungo sa South Korea.

Nang lumapag ang pribadong eroplano ko sa South Korea agad akong pumunta sa hotel para ayusin ang lahat.

"Ano itong nalaman ko? Ikaw ang ginawa kong pinuno dito dahil alam kong kaya mong gawin ng mabuti ang lahat ng ito! Pero binigo mo ako! Siniraan mo ang kumpanya ko!" Inis na sigaw ko "At dahil wala kang kuwenta, nasira ang kumpanya ko!" Dagdag na sigaw ko pa.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya" sabi nya at yumuko. "Hindi sinasadya? Ano iyon? Dumulas yung dila mo kaya nasiraan mo kami? You and your lies are all nonsense" sabi ko at inirapan siya.

"Ikaw, ikaw, ikaw at lalo na ikaw" sigaw ko habang tinuturo ang apat na tao. "You're all fvcking fired! Get the fvcking out of my office! Now!" Sigaw ko at agad naman silang umalis. Habol hininga ako habang inaayos ang lahat ng nasira ng mga hayop na iyon.

Mahigit isang linggo na rin akong nasa Korea at pilit na inaayos ang mga gulong nangyari.

"dangsin-eulbogo sip-eun salam-i issseubnida. naega geuleul deul-yeo bonaeyahabnikka?" Tanong ng sekratarya ko. [Ma'am there's a person wants to see you, should i let him in?]

"nugu?" Tanong ko habang nasa kompyuter ang aking atensyon[who?]. "Mr. Blake and Mr. Bryle" sabi nito. "geudeul-eul deul-yeo bonae" sabi ko at winagyway ang kamay ko. [let them in]

Sabay naman na pumasok ang dalawa. Taas nuo silang pumasok at tinitigan ako.

"Pu-pwede ba kitang makausap kahit saglit lang?" Tanong ni Blake ngunit bigla namang sumabat si Bryle "na meonjeo" sabi nito at itinulak si Blake. [me, first]

"appaleul illo delyeogajuseyo! appaneun geu munjewa amu sang-gwan-i eobs-seubnida! geuleul ilhage haejuseyo! naneun geuege il-eul hal su issdolog amugeosdo halgeoya!" Sabi nito at nagsimula nang magmakaawa. [Please, bring back my dad to his work! My dad has nothing to do with that issue! Let him work! I'll do anything just let him work]

"Anything?" Tanong ko habang naka-ngisi. Tumango na lang sya at sinabihan kong maupo muna dahil mayroon pa akong kakausapin.

"Ano naman ang gusto mo?" Tanong ko kay Blake. "Bakit mo ako iniwan? Bakit hindi ka man lang nagpa-alan?" Sunod sunod na tanong nya. "Bakit ko kailangang sabihin sa iyo? Nagkikita lang tayo, at nagsisimula palang, huwag kang unarte" seryosong sabi ko. May hinagis naman akong susi sa kanya. "Pumunta ka sa condo ko, duon ka muna, maguusap tayo mamaya" sabi ko at muling itinuon ang pansin sa kompyuter.

BRYLE SCOTT

BRYLE SCOTT

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
That AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon