title of your story

53 1 0
                                    

napatingin siya sa tatlo na mukhang excited sa isasagot ni makisig kaya kinurot niya isa-isa ang tagliran nito saka binalingan si makisig

“makisig pagpasensyahan mo na tong mga kapatid ko ah mga echusero”

nakangiting sabi niya rito

“okay lang” sabi ni makisig

“ano ka ba raffy hindi magkakagusto si makisig sa kapatid natin na yan, sa gwapo ba naman nitong si makisig papatol sa kapatid natin, tingnan mo nga at may muta pa” sabi ng kanyang kuya ruffino

sinalat niya tuloy nang wala sa oras ang kanyang mata na wala namang muta kaya marahas niyang tiningnan ang kanyang kuyana kasalukuyang tatawa-tawa lang

“mga kuya kong mahal at tunay. labas! At dun tayo mag-usap”sabi niya sa tatlong kapatid

“clarissa. Nakakatandang kapatid mo kami and yet you are the one who is ordering us”

tiningnan niya ito nang matalim

“labas sabi eh!”

bago siya lumabas ng pinto ay tinapunan muna niya ng tingin si makisig at tila namangha sa inasal niya

“wait lang ha? Nakaka-aburido na kasi tong tatlong to”

tumango lamang ito

Nang makalabas na sila ay hinarap niya ang kanyang tatlong kapatid na nakangisi sa kanya. Kilala siya ng mga ito kapag nagalit siya ay dapat gawin nila ang gusto niya. Wala itong magagawa dahil siya ang bunso at siya ang nag-iisang babae sa kanilang pamilya.

“okay, mga mahal kong kuya bakit kayo nandito?

“umuwi ka na daw at------“

“god! Kuya I told you a thousand times already kuya just give me some time to move on”sabi

niya na hindi mapigilang mairita

“and two years ka na naming pinagbigyan ano pa ba ang gusto mo?” sabi ng kapatid

“come on clarissa wag mong sayangin ang natutunan mo dahil lang sa lalaking yon at sa mga ka-members mo”singit pa ng isa

“pero hindi pa ako handa”

nagging seryoso ang anyo ng kanyang mga kuya

“clarissa atencio!”napapitlag siya nang narinig niya ang sigaw ng kanyang kuya dahil bihirang bihira siya nitong sigawan “hindi ka namin hinubog bilang isang matatag na babae para lang panghinaan ka nang loob! Naiintindihan mo ba?”

tumango lamang siya. Kahit na nga ba masasabing under sa kanya ang mga kuya niya alam naman niya ang kanyang posisyon and I know that they have the right to scold her when it comes to this manner

“good.we will give you one month then we are going home”

isang tango lamang uli ang sagot niya rito

nang babalik na sila sa loob ay tinapik siya ng kanyang kapatid na si kuya raffy

“napagalit mo si ruffino dun ah”sabi nito “tigas kasi ng ulo mo”

“oo na ako na ang matigas ang ulo” sabi niya rito

papasok na sana siya ng marinig ang usapan nang kuya ruffino.riffin at ni makisig sa loob

“ano ba ang ginagawa ni clarissa nung bata pa siya?” boses iyon ni makisig

“naku dapat hindi mo nalang tinanong dahil alam mob a napaka-siga niyan sa school noon”

sabi ng kanyang kuya ruffino

“oo nga tapos nasuspend pa siya minsan nang sinipa niya yung kaklase niya ang you know what nagka bungi bungi yung kaklase niya”

sabay halakhak ng mga ito

naalala niya ang mga kalokohan niya nung nasa high school pa siya

flashback…..

sobrang galit niya sa kaklase niyang lalaki dahil sa ginawa nitong pagpapahiya sa kanya sa buong campus nang talisudin siya nito at buhusan ng coke na hindi pa nakuntento dahil isinalpak pa sa mukha niya ang cake na binili nito

kaya naman isang araw inabanga niya ito sa classroom nito at nagbalak siyang sipain ito

ayan na clarissa malapit ka nang makaganti sa mukhang unggoy na yan”

sabi niya sa sarili nang Makita itong papalapit sa kanya

nagbilang siya one ….two…. three!!!

nagpakawala siya ng isang round house kick at tumama iyon sa nguso ng lalaki ngunit laking gulat niya na hindi iyon ang lalaking gusto niyang paghigantihan subalit isa iyong higher class!!!

“ngyayisha! Mangit mo ango shinipa?” iiyak-iyak na tanong nito sa kanya habang nakahawak sa dumudugong nguso nito

at

napangiwi siya nang Makita ang  ngipin  nito sa palad ng lalaki

“sorry sorry”yun lang ang nasabi niya at inihatid ang lalaki sa pinakamalapit na dentista makalipas ng isang oras ay binalikan niya ito

“uhmm masakit ba?” tanong niya

“hindi hindi masakit masarap pa nga eh” pilosopong tugon nito

“sorry talaga hindi naman talaga ikaw ang target ko eh’

“pero seriously parang may pumalo sakin ng baseball bat sa sobrang lakas ng impact”

“ sorry ulit”

end of flash back

at yun  na nga ang kwento nang ka-brutalan niya noong nasa highschool pa siya hanggang ngayon ay natatawa parin siya sa tuwing naaalala ang pangyayaring yon

“kaya ayun hindi siya na-honor” sabi ng kanyang kuya raffy

“matalino pala si clarissa”

tugon naman ni makisig na hindi niya inaasahang sasabihin nito  kaya naman nag rigidong nanaman ang kanyang puso

“oo matalino yung babaeng yon, brutal nga lang” tumawa nanaman ang mga ito

Kinagabihan nagdesisiyon ang kanyang mga kapatid na umalis kasama ang kanyang mga pamangkin,

“oh pano ba yhan makisig mauna na kami ikaw nang bahala sa unggoy naming kapatid ah”

‘sige ako nang bahala sa kanya”

 siya naman ay pumasok sa kanyang silid para magmuni-muni nang nakaramdam siya ng pagka-uhaw kaya naman lumabas siya sa kanyang silid at nagtungo sa kusina upang kumuha ng maiinom subalit napansin yata siya ni makisig kaya naman tinawag siya nito

“Clarissa” tawag ni makisig sa kanya

“bakit?”

“masaya palang kausap yung mga kapatid mo noh”

“ah sila? Ang kukulit noh”sabi niya na tumabi sa pagkakaupo nito sa mahabang upuan

“masaya nga eh you are so lucky to have those guys as your brothers”

“bakit naman?”

“kasi lagi silang concern sayo tapos ang bait bait pa nila sayo biruin mo under sila sayo” natatawang saad nito

“alam mo kasi nung bata palang ako lagi silang natatakot kapag nagagalit ako pano daw kasi nung bata ako hanggang ngayon kapag nagagalit ako sa kanila kahit anong mahawakan ko ibinabato ko sa kanila kaya malas nalang nila kapag nagkataon na madampot ko eh martilo kung hindi naman eh kutsilyo hahahaha saka ako nalang kasi ang nag-iisang babae sa amin kaya ganoon sila”

  “nasaan ang mama mo?”

“heaven” maikli niyang tugon

  “may I know the details?”

  “bakit naman gusto mong malaman?”

CALLE POGI (FAN FICTION) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon