Prologue

0 0 0
                                    

PROLOGUE

"Maghanap ka ng trabaho! Kapag hindi ka nakahanap, asahan mong wala kang uuwian!" Sigaw sa akin ni mama kaya natataranta ako sa pagkuha ng bag ko. Tumango-tango ako kay mama at napapalunok.

"Uh, ma wala po kasi akong pera panghanap ng trabaho. Kakailangan ko po kasi--" hindi niya na agad ako pinatapos sa pagsasalita.

"Ako pa hihingan mo ng pera?! Nangangailangan din ako! Bilisan mo na!" Sigaw niya pa sabay buga sa sigarilyo. Napalunok ako doon. Saan ako makakakuha ng pera?

"Lakad na!" Napaatras ako sa sigaw ni ate kaya umalis na ako doon at nagsimulang maghanap ng trabaho. Habang naglalakad ako sa malalaking mga gusali ay nakita ko si Kizzy kasama ang kaniyang boyfriend na si Dex.

"Eh! Kasi tigilan mo nga 'ko!" Natigil sila sa pagkikilitian ng nakasalubong ako. Agad ngumiti sa akin si Kizzy at binati ako.

"Oh, fenella! Saan ang punta mo?" Tanong niya sa'kin at hindi pa din nawawala ang ngiti sa labi niya. Pinasadahan nila ako ng tingin.

"Naghahanap kasi ako ng matratrabuhan. Pinaalis na kasi ako sa trabaho ko." Sagot ko at agad ngumisi si Kizzy at tumango tango pa.

"Gusto mo bang magtrabaho sa.. bar?" Sabi niya at ni-head-to-foot ako. Ang boyfriend niya ay panay pa din ang kiliti sa kaniya kaya tawa ng tawa si Kizzy. Napalunok ako dun. Bar?

"Wag ka mag-alala, maalagaan ka dun.. diba kailangan mo ng pera?" Nakangiting tanong niya at dahan-dahan akong tumango, ngumisi ulit siya.

"Ilang taon ka na ba?" Tanong niya sa'kin at agad akong sumagot na '22'

"Yun! Puwedeng puwede ka dun! Hanap kasi doon, 20 hanggang 24 anyos! Malaki-laki din naman ang sahod doon!" Sabi niya sabay kindat. Tumango ako ng wala sa sarili.

"Kizzy! Sino yan?" May lumabas na babae galing doon sa karinderya. Matangkad siya, matangos ang ilong, mabilog ang mga mata, nadedepina ang kaniyang mga collarbone, mahaba ang buhok, kulot sa baba ang kaniyang buhok. At nakikita ang pagkamorena niya sa suot niyang Red Dress.

"Neveah!" Tawag niya dito at agad na lumapit sa amin. Dala-dala niya ang kaniyang soft drinks at tinapay. Nakangiti siyang naglahad sa'kin ng kamay. Tinanggap ko naman iyon.

"Neveah, si Fenella. Fenella, si Neveah." Pinakilala kami ni Kizzy sa isa't-isa. Tumango-tango ang babae habang ako ay nahihiyang ngumingiti.

"Love, dun muna ako kila Chelo huh?" Sabi ni Dex at tumango naman sa kaniya si Kizzy. Nagpaalam pa siya sa amin bago sya lumapit sa mga kaibigan niya.

Nag-usap usap pa kami doon sandali tungkol sa bar na papasukan ko. Malaki daw ang bar na ito at sikat. Madami daw doong mga sikat na artista. Mayroon daw doong mga waitress, at iba pa. Sabi nila, punuan na daw ang mga trabaho doon pero mayroon daw isang bakante.

"Alam mo, Fenella bagay ka don! Malaki ang pasahod, yun nga lang kung tatanggapin mong maging SG nila don." Sabi sa'kin ni Kizzy at naningkit naman ang mga mata ko don. Nakaupo kami ngayon, nilibre nila ako ng makakain.

"SG?" Takang tanong ko sabay subo ng kanin at ulam. Tumango naman si Neveah.

"SG. Sex Girls." Medyo pabulong ang sabi niya dun at agad nanlaki ang mata ko dun. Kita sa kanila ang pagka-dissapoint sa mukha nila ng umiling ako. Agad atres ng tumayo sa narinig ko.

"A-ayaw kong magtrabaho dun! Kahit na anong trabaho basta wag lang doon! Gusto ko ng maayos na trabaho!" Agad kong sabi, bumuntong hininga naman sila.

"Fenella, ayaw mo nun? 10, 000 ang ibibigay sa'yong pera plus my tip pa! Susundin mo lang naman ang ipapagawa nila sa'yo eh. Magpapaganda ka dun at aakitin sila! Pag naakit mo na, boom! Yun na!" Sabi niya na may pa-wa epek pa. Sumingit naman si Neveah.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let Me Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon