Prologue

67 3 0
                                    

This story will contain mature scenes. Please read at your own risk. Thank you. Happy reading!
— H I L L S
-
"Paraiso nga pangalan mo pero kung tratuhin ka para kang basurahan."

Napairap ako sa sinabi niya. Naririndi na ko sa sermon nitong babaeng to.

"Aray naman." Napangiwi ako dahil sa sakit. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Eh tanga ka. Hinayaan mo na naman." Napangiwi ako lalo sa sakit nang diinan niya pa ang dampi ng bulak.

"Adison! Adison!" Tumahol ang aso ni Adison hudyat na may tao sa labas. Napapigil ako ng hininga. No, not right now.

"Tangina mo, wag kang lalabas." Duro sakin ni Adison bago lumabas ng apartment niya.

Please, umalis ka na. Please lang.

Napasandal ako sa sofa at pumikit. Patuloy na humihiling na sana umalis na siya.

"Alam kong nandyan si Paradise! Please naman, Adison, wag mo siyang itago!" Napadilat ako sa sigaw na nanggaling sa labas. Fuck naman.

"The fuck, Andre! Ala-una ng madaling araw sumisigaw ka pa! Ikaw pa mapapa-barangay ha?!" And that was my cue to come out. Galit na si Adison.

Pagkakita sakin ni Andre, agad nag-iba ang ekspresyon niya. Mula sa pagiging galit, naging maamo na akala mo tuta. Muli siyang bumaling kay Adison at, "Wala pala."

Nilagpasan niya ito at pumasok sa apartment ni Adison. "Baby, let's go home." Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito. Napaiwas ako ng tingin at tumingin kay Adison. I was asking for some help but she just shook her head as if telling me, "I give up."

Napabuntong-hininga na lamang ako at tumango bago tumingin kay Andre. He smiled. He was proud. Proud of himself because once again, nakuha niya ko.

Cross the Bridge with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon