Binuksan ko na agad yung bag ko pagka-tap ko ng ID ko para ipa-check sa guard. After ma-check, kinuha ko yung phone ko para i-text si Adison nandito na ko sa school. Morning routine kasi naming mag-breakfast sa silogan sa school.
"School na. San ka na?" I typed and pressed send.
Habang hinihintay ko yung reply ni Adison, tumambay muna ako sa study area. 6:00 pa lang naman, baka mga 6:30 or quarter to 7 nandito na si Adison. Medyo matagal kasi kumilos yon dahil sa makeup routine niya.
Wala naman kaming upcoming recit or quiz kaya wala naman akong mapag-aralan. Nakapag-advance reading na rin naman ako kagabi kasi wala lang, maaga ako natapos kagabi sa mga kailangan gawin.
Ano bang ginagawa sa study area? I looked around and saw students na nagchichikahan, kumakain at syempre, natutulog. Wala talagang nag-aaral, I mean, may libro sa harap, nakabukas pero yung mata at kamay nasa cellphone.
Binuksan ko nalang yung twitter ko, baka may chika. Scroll lang ako ng scroll pero nakikita ko lang yung mga memes na ang corny naman pero nakakatawa. Ewan ko na rin. I closed the twitter and opened my facebook instead. Kung anong content ng twitter, ganon rin sa facebook. Madalas nga screenshot pa ng tweet yung post sa facebook. Sana nag-twitter nalang pala ako.
Andre: Good morning!
Lumabas yung chat head ni Andre and I read his message. Napakunot ako ng noo. Good morning?
I opened his chat head and typed "good morning" as well. Hindi naman ako ganon kasama. Kaklase ko naman siya after all.
Andre: Breakfast ka na?
Napatingin ako sa oras. 6:30 na pala? Wala pang reply si Adison. Hindi ko muna nasagot si Andre kasi tinawagan ko si Adison. Naka-ilang ring din bago ito sumagot.
"Ano? Nasan ka na?" Medyo matagal bago ako may marinig na tunog sa kabilang linya. Singhot pa yung narinig ko.
"Are you sick?" I asked again.
"Yes. Sorry hindi ako nakapag-text. Sobrang sakit kasi ng ulo ko." Adison answered.
"It's okay." I checked my schedule na nakasabit na parang key chain sa bag ko and saw na may 2 hours vacant pala ako mamaya. "Later sa vacant ko, punta ko dyan ha? Please eat and drink your meds then sleep ha?"
Wala na kong narinig na sagot baka nakatulog na uli yon. Puntahan ko nalang mamaya. Hay nako yung babaeng yon! Ano kayang ginawa non at nagkasakit?
Nag-pop na naman yung chat head ni Andre.
Andre: Busy?
Ay, hindi ko pala na-reply-an.
I typed "Hindi, sorry. I called Adison eh. May sakit."
Nabasa ko uli yung message niya kanina before nung "busy?" kaya ini-swipe right ko yung message para makapag-reply.
"Hindi pa. Sabay dapat kami ni Adison kaya lang may sakit pala." I replied.
Na-seen niya kaagad yung messages ko pero hindi siya nag-reply. Okay lang. Baka wala lang makausap yung tao.
Biglang nag-ring yung phone ko and it's from messenger.
Andre Samolde calling...
Huh? Why? Hesitant ako sagutin pero I pressed the accept din naman.
"Hello?" I answered.
"Lingon ka sa kanan." Automatic akong napalingon and saw him standing there, smiling, and may bitbit na food. Nang makita ko siya, agad niyang pinatay ang tawag at lumakad papunta sa direksyon ko.
BINABASA MO ANG
Cross the Bridge with Me
Fiksi Umum"You wouldn't know if you won't try. Cross the bridge with me, Paradise."