Chapter 6

11 1 1
                                    

It's been 3 weeks since Andre confessed his feelings for me and courted me. And I can say he's consistent. Every day siya gumagawa ng paraan para makapagkita kami kahit na may training sila hanggang 7 PM. Every day may pa-flowers and pagkain. He's kinda flexing me sa social medias niya especially sa IG story niya kaya ayun, yung dms ko laging flood.

Ngayon wala kaming class pareho pero whole day training nila kaya hindi rin kami magkasama. Nandito rin ako sa school library kasi mabilis internet dito and may kailangan ako i-search.

Biglang nag-ring yung phone ko. Hindi ko pala na-silent kaya na-bell ako. Sinagot ko na rin yung tawag.

"Dyan ka pa?" He asked.

"Yes. Di pa tapos eh." I answered while typing kung anong kailangan ko pa i-search. Naka-earphones naman ako kaya hindi hassle.

"Okay, lapit na kami matapos. Wait mo ko?" He said. Napangiti ako ng konti.

"Sure." I answered. Ano ba naman yung hintayin ko siya diba?

"Thank you! I'll see you later ha? Balik na kami." Tumango ako as if nakikita niya then we exchanged our byes.

1 hour later, may tumabi sa akin and hindi ko na kailangan lumingon para malaman kung sino. Amoy pa lang kilala ko na.

Agad kong pinatay yung computer at tumingin sa kanya. He smiled at me, so I smiled back.

Nag-time out na ko sa librarian's desk then lumabas na kami.

"Kamusta ka?" I asked him while fixing my shoulder bag. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Pagod." Sa boses pa lang, halata mo na.

Nang makasakay kami sa kotse niya, inistart niya lang muna ito. Hindi pa kami umaalis.

Sinandal niya yung ulo niya sa upuan then pumikit. Pinagmasdan ko siya. Mahaba ang pilikmata, matangos ang ilong, medyo mapanga, medyo pinkish lips din kahit na nagyoyosi. Gwapo.

"Baka matunaw ako." He said still eyes closed.

"Uwi nalang kaya tayo? Bukas nalang tayo bawi?" I suggested. He looked really really tired.

Dinilat niya ang mga mata niya at tumingin sakin. He smiled first before talking. "No. Kaya ko pa naman."

Tinignan ko lang siya. Hoping na pumayag siya sa gusto ko.

Umayos siya ng upo at humarap sakin. Hinawakan niya yung kamay ko.

"Paradise, ikaw yung pahinga ko. Kahit gaano ako kapagod, makasama lang kita, okay na ako."

I was speechless. This guy is something else.

"So, saan mo gusto kumain?" He asked nang mapansin niyang wala akong masabi.

"Oo na, Andre."

"Oo na? Saan yun? Wala naman atang kainan na ganon." He said.

I don't know if he's stupid or what.

Tinignan ko lang siya. Tinignan niya lang rin ako. Onti-onting lumaki yung mata niya nang ma-realize niya yung sinabi ko.

"What do you mean, Paradise? Make it clear."

I laughed. Ang cute.

"Don't you laugh at me. Please, ano yon?" Nagmamakaawa na yung mga mata niya na para bang babawiin ko yung sinabi ko.

"Oo na. Tayo na. Sinasagot na kita. Clear na ba?" I said.

Bigla niya kong niyakap, tapos ihaharap sa kaniya, tapos yayakapin uli ako.

"I promise I will not hurt you." He said then kissed my forehead.

That was sweet.

"I love you." He said.

I smiled and hugged him. "I love you, Samolde."

After minutes of hugging and exchanging I love yous, napagdesisyonan namin na kumain nalang sa malapit na sisig house.

While eating, nag-uusap kami mga random na bagay like dreams, favorites, ganon.

Papunta na kami sa kotse niya ngayon nang sinabi ko kung pwede niya ko ihatid kila Adison nalang and he agreed. Alam naman niyang dapat alam ni Adison lahat.

Nang makarating na kami, bumaba na rin agad kaming dalawa.

"Gusto mo ba magpakita?" I asked him.

Umiling siya. "Sa school ko nalang haharapin yan."

Tumango ako then kissed his cheek. "Thank you for the treat and for driving me here."

He kissed my forehead. "Thank you for being my girlfriend."

If only I could replay that. Napakasarap pakinggan.

I smiled at him and he smiled back. Hinintay ko na siya makaalis bago ako pumasok.

I knocked before coming in to Adison's room.

I found her eating some chips while watching netflix.

"Dito ka magsleep?" She asked agad. Alam na niya eh.

Tumango ako then tumango din siya. Umupo ako sa tabi niya at humilig sa balikat niya.

"Kami na." I started.

Agad-agad niyang pinause yung pinapanood niya.

"Really?!" With matching laki pa ng mata.

Tumango ako at nag-ready sa sermon niya pero wala.

Tinignan ko siya and she was smiling at me.

"If you're happy, then go. I will not be that kontrabidang bestfriend, pero! Kapag umiyak ka, babalik ka sakin ha? Ay hindi, hihilahin kita pabalik. Sapilitan." She said.

Napangiti naman ako. "Thank you." I replied.

Tumango siya before she said, "Just be happy and know your worth okay?"

Tumango ako bilang tugon. Pinagpatuloy namin yung panonood namin.

Nagtext na si Andre na nakauwi na siya and he said,

"I'll go to bed na. I'm super tired pero it was all worth it. Good night, girlfriend. I love you."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cross the Bridge with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon