"Good morning! May gagawin ka today?" Basa ko sa message ni Andre.
I typed and replied, "Wala. Magkikita lang kami ni Adison. Why?"
"Kain sana tayo pero sige. Have fun with Adison." Hindi ko na siya ni-reply-an. Nag-ayos na ko para sa lakad namin ni Adison. Treat niya daw ako eh kasi madami daw akong chika.
Nagsuot ako ng high waisted pants tapos tinuck-in ko yung blue na sando. Nag-sandals na lang ako para mas kumportable.
Nag-light make up lang din ako kasi may time pa. Nang mag-message si Adison na nasa labas na siya, lumabas na din ako agad.
"So, chika?" Bungad niya. Inirapan ko siya.
"Wala naman kasing chika. Excuse mo lang ako para makalabas eh." Sagot ko.
"Meron! Pero later na sa mall na." Napailing nalang ako. Kukuwento ko nalang yung nangyari kahapon.
Pagkarating namin sa mall, pumunta kami sa isang fast food chain at umorder. Nang makahanap na kami ng upuan, sinimulan na niya kong kulitin.
"Okay, bakit siya nakahiga sa balikat mo?" Panimula niya.
"Wala daw tulog." I answered.
"Pwede sa desk? Duh?" Oo nga.
"Ewan. Di daw makatulog eh." Nag-eye roll siya sa sinabi ko. Suntukin ko tong babaeng to eh.
"Bat nasa IG story kayo ng isa't-isa?" Finofollow niya pala yon? Kala ko ba ayaw niya don?
"Diba nanghingi ka ng proof? Eh, sabi niya IG story ko siya tutal friends naman kami." I answered uli.
"Sumunod ka naman?" Tignan mo to.
"What? Friends naman talaga kami." It's the truth.
Nang hindi siya ma-satisfy sa kwento ko, kinulit pa niya ko.
"May hindi ka pa sinasabi, Paradise." Tinignan niya ko na parang ang laki ng kasalanan ko.
Sasabihin ko na ba talaga?
Okay, fine.
"Kasi, ano, sabi ni Andre, gusto niya daw ako." I stopped, waiting for her OA reaction. Pero wala.
"Tanga ka? Hindi mo ba alam?" Gulat na gulat niyang tanong. So, umiling ako. Hindi ko naman talaga alam. "Ay tanga nga! Go, tuloy!"
"And he said kung bibigyan ko siya ng chance, he will be happy." I continued.
Nanlaki ang mga mata niya. "Don't tell me?!" I nodded as an answer.
Napa-face palm siya.
"Okay, okay. So what? Nililigawan ka na niya?" Pagkaklaro niya.
"Oo daw." Sagot ko.
"Ah, dadaan muna siya sakin." Nag-evil smile pa. Ano na naman plano nito?
"Chat mo nga. Sabihin mo mamayang gabi iinom tayo." Nanlaki yung mata ko. Lasinggera to. She told me the bar and I told Andre too. He said na pupunta siya.
BINABASA MO ANG
Cross the Bridge with Me
Ficción General"You wouldn't know if you won't try. Cross the bridge with me, Paradise."