Melnard's POV...
Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ko nasabi kay Blight yun.
Pero natutuwa ako sa naging reaksiyon niya.
"Hahaha, hindi na tuloy matutuloy ang pagpapari ni Melnard!" tatawa tawang sabi ni Jed.
Napakaloko talaga neto!
"Gag* ka, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako magpapari!" sabi ko sa kanya.
Ayun pati sila Pat at Hans natatawa, nakitawa na rin si Blight.
"Hahaha, kung wala pala ako ngayon baka seminarista ka na." Blight said.
Pati ba naman siya?
"Isa pa, hindi talaga makakapasok sa pagpapari yan si Melnard, hahaha hindi niya kasi matiis ang tawag ng laman niya hahahaha!" pang aasar pa ni Hans.
F*ck!
"Manahimik na nga kayo!" sabi ko sa kanila.
Hindi nga sila nagsalita pero tawa naman sila ng tawa.
Bwiset...
Nang makarating na si Mr. Eldison, nagsimula na kaming magklase.
"Woah grabe ang basic ng lesson!" pagmamayabang ni Jed.
"Mabuti at nakikinig ka Mr.Castro." sabi ni Mr. Eldison kay Jed.
"Yes sir! Malapit ko na kasing mabili yung gusto kong sapatos!" sabi naman ni Jed habang sinasayawan ng sexy dance si Elsa, yung tahimik naming kaklase.
"Okay tigilan mo na yang pagsayaw mo sa harapan ni Ms. Mendoza." sabi ng prof namin.
yung mga classmates namin inaasar siya kay Elsa.
"Yun ohh, Jed iba na pala type mo ngayon?" sigaw ni Rafael.
Ayan tumawa silang lahat, natawa nalang rin ako.
Pagkatapos ng klase namin kay Mr. Eldison.
"Melnard, una na ako ha? may experiment kasi kami ngayon." sabi ni Blight sakin.
What? Hindi siya magpapahatid?
"ihahatid na kita tara na!" sabi ko sa kanya sabay hawak ng kamay niya at naglakad.
Nang makarating kami sa tapat ng laboratory nila.
"Oh see you nalang ulit mamaya!" she said then she kissed me on my cheeks.
sa simpleng kiss niya, bumilis ang tibok ng puso ko.
Bumalik na ako sa classroom namin na masaya at may ganang mag aral.
"Hans, yung libre mo samin ah!" sabi ni Jed.
kanina pa siya paulit-ulit.
Nakakarindi!"Taena mo, oo nga! Akala mo naman tatakasan kita eh." sagot ni Hans sa kanya.
Naghabulan si Jed at Hans sa labas ng classroom. Ewan ko kung saan sila makaabot.
Abnormal talaga!
Nang makaupo ako, nilapitan ako ni Pat.
BINABASA MO ANG
My Nurse-Maid Girlfriend (COMPLETED)
Teen FictionNatutuwa ako kapag kasama ko sya sa iisang bahay, sa iisang eskwelahan at sa anumang oras. Ngunit sa tuwing nakikita ko syang nasasaktan, Nakakaramdam ako ng pagkalungkot at pagkainis sa mga taong nananakit sa kanya. At yun pala PAG-IBIG na pala ang...