"Pasensya kana"
Sa maraming tiyansang ika'y nandyan,
sa mga ngiting iniwasan,
sa mga salitang pilit itinanggi,
pasensya kana.
Hindi ito isang palabas,
walang ikaw at ako kahit kailan.
At ika'y nakaupo sa upuan sapat para di makita
ang pagmamahal ko.
Sinubukan kang patayuin gamit ang ngiti,
Hindi kayang maging kapuri-puri.
Pasensya na kung ako'y pipi,
bulag ka naman.