Mata

31 12 0
                                    




"Bulag"

Mahigit apatnapung kilometro ang layo,

atensyong napupuna ng iba.

Sa lawak ng hardin ikaw ang minata,

niyakap ang cactus na kikitil sa kaligayahan.


Lumang larawan mo ang baon sa mahabang lakbay,

sa paglipas ng panahon puso ko ang namatay.

Humigpit ang yakap, hindi na ako makahinga,

dahil sa araw-araw na paghanga.


Gabi-gabi'y iniisip ka,

mga ala-ala mong nagsisilbing sandata.

Pang laban sa nagbabadyang luha,

na hindi mo nakikita.

Mga Liham para kay VincentWhere stories live. Discover now