CD 1-Bloody Beginning

279 12 1
                                    

Shaina's POV

Naglalakad palang ako papasok sa bago kong school nang marinig ko ang mga bulung-bulongan ng mga estudyante dito. Bulong pa nga ba kaya yon?

"Sino yan? Ang pretty nya naman."

"Bago yata sya dito."

"Chicks pare!"

"Transferee? She's one month late."

"Ayos to ah. May magandang new student."

Ilan lang yan sa mga narinig kong mga bulong nila. Di ko nalang inintindi iyon dahil kailangan ko na makapunta sa office or else male-late ako.

Paligoy-ligoy lang ako sa school grounds at di ko na alam kung saang parte ng school ako. Ugh! This is troublesome. I should've just took the map that that old hag offered me but who am I kidding. I did'nt wanna owe something to that person.

"Hi!'' Nagulat ako nang may isang babaeng maliit ang bumati sa akin. Muka syang first year student. I'm already a third year by the way.

"Ako?" tanong ko sabay turo sa sarili ko. Aba mahirap nang maging assuming.

"Yep." Tango nya sabay lapit sakin. May kasama syang dalawang babaeng mukang ka-age ko lang. One with glassed ang other one with large boobs.

"G'mornin." Bati ni nerd.

"Hello." Bati ko din sa kanila. Di naman ako snob eh.

"You're lost aren't you?" Tanong ni nerd. Sasagot na sana ako nang biglang may nagsalitang lalake sa likuran ko.

"If you're going to the office, we'll take you there." Isang lalakeng kabute ang lumitaw. Isang maputing kabute. Lumapit si Kabute boy kay Nerdy girl at inakbayan ito. Couple alert.

"Ah no, I was just waiting for someone who was supposed to accompany me." Sabi ko sabay hila sa babaeng napadaan.

"Right?" Dagdag ko pa and gave them may sweetest smile.

"Uhh... Sure." Sagot naman ni Intsik. Muka syang Chinese. At huwaw ah... Hiyang-hiya kutis ko sa sobrang puti nya teh.

"Nicole, you know eachother?" Tanong ni liit sabay taas ng kilay. Oh, kilay nya tumataas pero height nya hindi? Lol.

"Who knows." Sagot nya. So Nicole pala pangalang nya.

"Okay then. Oh I almost forgot, kanina pa kami nakikipagusap pero di pa kami nagpapakilala. I'm Kelly by the way. These are my friends Xynah(turo kay nerd), Jed(turo kay Kabute boy) and Lyka(Turo kay Boobsy)." Pakilala ni Liit.

"I'm Shaina. Nice meeting you guys." Sabi ko naman.

"And I'm Nicole." Singit ni espasol.

"Aren't you going to the office yet?" Sa wakas! Nagsalita na rin si Boobsy na kanina pa nakatitig sakin. Lyka yata daw pangalan nya? Meh.

"Oh yeah! I almost forgot. Thanks, gotta run! Tara Nicole!" Sabi ko sabay kaladkad sa kanya paalis. Di ko na tinignan yung mga yun at nang makalayo na kami, saka ko sya binitawan at hinayaang sya ang maglead ng daan.

Katahimikan ang bumalot samin habang naglalakad. Parang malalim yata iniisip ni Nicole ah. Kausapin ko na nga lang. Baka malunod pa yata.

"Uhmm... Sorry nga pala sa biglang paghila at pagkaladkad sayo ah." Paumanhin ko. Mukang nagulat siya pero nginitian nya din ako.

"Ayos lang yon sakin pero bakit inayawan mo sila? Muka namang niyaya ka nila ah. Ayaw mo ba sa kanila?" Di ka naman yata curious noh?

"Ah wala. Naintimidate kasi ako. Alam mo na, bago pa lang kasi ako dito." Sagot ko. Napatango na lang siya.

School Of Madness: Experiment 1412Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon