Blag!
Ang patpating katawan ni Toper ay bumagsak salupa na tila isang mapayat na kahoy. Isang malakas na pwersa ang nagtulak sakanya pababa. Pwersa ng isang matipunong lalaki. Lalaking may mas malakingkatawan kaysa sa kanya.
Mulingtatayo na sana si Toper nang biglang itulak siyang muli.
Blag!
Ang kaibigan niyang si Opay ay kasalukuyangnanunuod lamang sa kaawa-awang kalagayan nito. Balak na sana niyang tulungankaso binabagabag siya baka pati siya ay madamay sa sinasapit ng kanyangkaibigan.
Kasalukuyan paring nakaupo sa may damuhan ngplaza si Toper. Masasabi niyang napakainit ng mga panahong iyon ngunitpinagpapawisan siya ng malamig dahil sa sobra nitong takot. Marahil ay patisiya ay nagtataka kung bakit siya pinag-iinitan ng mga lalaking kasalukuyangnasa harap niya.
Ilang saglit lang ay napansin na nito naunti-unti nang dumarami ang mga taong nanunuod ng mga oras na iyon. Bagamatmakapal na ang bilang ng tao sa plaza ay wala pa ring nagnanais na tumulong sa kanya.
Makalipas lang ang ilang oras ay unti-untinglumakas ang ingay na nasa paligid niya. Ang kaunting pawis niya kanina ayunti-unti nang dumami. Balot na ballot na siya ng takot ng mga oras na itodahil maaring sugurin siya ng galit na galit na si Kulas nang biglang…
“Suntooookkkk!” sabi ng tunog matapossuntukin siya ni Kulas.
“Arayyyyyyyyyyy!” sigaw ni Toper.
Ang kaninang namumuong malalamig napawis niya ay napalitan ng dugong umaagos pababa mula sa kanyang kilay napumutok dahil sa pagkakasuntok sa kaniya.
Ilang saglit lang ay nilunok na ni Opayang kanyang takot at nilapitan ang kawawang kaibigan. Ngunit palapit pa lamangito nang biglang itulak siya pababa ng walang kaawa-awang si Kulas.
Blag!
Ang matipunong katawan ni Kulas aynatibag nang isang suntok niya. Parang isang pader na hinampas ng isangkalawanging martilyo. Dahil sa pagkakasuntok niya ay napataob niya ang isa salimang lalaking nakapalibot sa kanya.
Blag!
Bumagsak muli si Toper ngunit ibanglalaki na ang sumugod dito. Iba’t-ibang mga lalaki ang sumuntok at tumadyak sapayat na pangangatawan nito.
“Suntooookkkk! Tadyyyaaaaaaaakkkk!Suntooookkkk!”
![](https://img.wattpad.com/cover/27679001-288-k484248.jpg)
BINABASA MO ANG
Itanong natin kay Toper
HumorSi Toper ay isang tipikal na lalaki na may pambihirang pagtingin sa mga bagay-bagay na para sa kanya ang lahat ay may malalim na kahulugan na sa iba'y tila isang simple lamang. Dito ay nais niyang magkaroon tayo ng respeto sa lahat ng mga taong naka...