Story Proper (*Chapter 2*)

37 2 0
                                    

Bagong eskwelahan, bagong buhay. Kung dati-rati ay lagi niyang nasa tabi ang kaniyang kaibigang si Opay, ngayon nama'y wala na. Wala na ang kaibigan niyang laging gumagabay, laging kasama, at laging kakulitan.

"Sa bawat pag-alis ay laging may kapalit na pagdating," ito ang kasabihang dati ay paulit-ulit na sinasabi ni Opay sa tuwing nalulungkot siya sa pag-akyat ng barko ng kaniyang ama. Ngayong si Opay naman ang nawala ay iyan din ang kaniyang inisip.Bagamat mahirap iyon para sa kaniya ay dapat niyang maging matatag.

Unang araw ng kaniyang klase ay ganadong-ganado si Toper na pumasok. Maaga pa lamang ay agad siyang naghanda, naligo, at dali-daling nagbihis. Pagkatapos nito ay umalis na siya ng kaniyang bahay.

Unang araw pa lamang ay mahahalata mo ang sipag at dedikasyon niyan pumasok. Pagkarating na pagkarating niya sa kanyang paaralan na kilala sa tawag na San Martin National High School o SMNHS ay naaninag na niya ang hindi magkamayaw na mga estudyante nito. Napakarami talaga at mukhang hindi kayang iaccommodate nang paaralang ito ang lahat ng mga ito.

Siksikan na pumasok sa gate ng paaralan ang mga mag-aaral ng SMNHS. Hirap na hirap ang lahat na mahanap ng lahat ang kanilang silid-aralan sa sobrang dami ng tao. Natapos ang buong araw kakahanap ng mga estudyante sa kanilang class room. Samantalang si Toper naman sa kabilang banda ay nakita ang pangalan niya sa seksyon 17. Bagamat nahirapan siya pero hindi naman masyado hindi tulad ng ibang mga estudyante.

Sa halip na hanapin niya ang kaniyang pangalan magmula sa unang seksyon ay sinimulan nito sa huli na nasa seksyon 21. Dahil dito ay mabilis natapos ni Toper ang kaniyang paghahanap. Sa sobrang pagod niya ay napagpasyahan nalang niyang umuwi at doon magpahinga.

Dahil sa napagod si Toper, gusto na niyang makauwi para matulog at magpahinga. Kasalukuyan siyang naghihintay ng kaniyang masasakyang pampasaherong jeep para makauwi na siya. Ilang minuto ring naghihintay siya kaya pinagpawisan na ito.

Woooossshhh!

Umihip an malakas na hangin patungo sa kaniya kay ang init na dala-dala ng mainit na panahon ay napalitan nang ginhawa sa kaniyang pakiramdam. Ilang saglit pa ay dumaan na ang kaniyang hinihintay. Isang bakanteng pampasaherong jeep kaya dali-dali siyang pumara at agad namang tumigil sa kaniyang harap. Agad naman siyang sumakay at naupo.

"Sa wakas! Nakasakay rin!" bulalas niya sa kaniyang sarili. Pagkaupong pagkaupo niya ay mabilis na pinatakbo ng driver ang kaniyang jeep. Halos liparin si Toper palabas buti na lang at nakakapit siya.

Gaya ng isang ordinaryong sasakyan, minsan titigil ito para magkarga o magdiskarga ng mga pasahero. Kung minsan naman ay tumitigil ito para bigyan ang mga butaw na mga kotong cops. Sa bawat pagtigil ng kaniyang sinasakyang jeep ay lalong sumisikip hanggang sa umabot sila sa kalagayan ng mga sardinas na pilit nagsisiksikan sa lata.

Dahil sa sobrang sikip ay hirap na hirap niyang dinukot ang kaniyang kulapi mula sa kaniyang bulsa. Pagkakuhang-pagkakuha niya ay dahan-dahan niyang kinuha ang kaniyang pera sa loob ng kaniyang kulapi at iniabot sa kaniyang katabi.

"Bayad po!" ani ni Toper habang iniaabot ang kaniyang bayad sa katabi niyang lalaki. Matagal nang naghintay si Toper na abutin ang bayad niya ngunit wala man lamang kahit na isa ang kumuha nito at mag-abot sa tsuper ng jeep.

Dahil sa walang kumuha ng kaniyang bayad ay hirap na hirap niyang iniabot ito sa driver. Sa sobrang layo ay halos sumabog ang kaniyang pawis ngunit wala pa ring tumulong sa kanya. Tanging ang ginawa lang ng mga nakasakay niya ay tingnan lamang siya hanggang sa maiabot niya ito. Sa sobrang inis niya ay tiningnan niya ang lahat nang lulan ng jeep at saka nagsalita.

"Oh! Anong tinitingin niyo diyan? Wala ba kayong mga kamay?!" galit na sabi niya sa mga tao sa jeep.

Clap.. Clap.. Clap..

Itanong natin kay ToperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon