KABANATA ONE:
MARGAUX'S POV
Dalawang taon na ang nakakalipas magmula nang kainisan ko si Nicholas sa pag-aakalang sya ang taong balak ipakasal sa akin ng mga magulang ko at dalawang taon na rin magmula ng malaman ko ang katotohanang si Alexander pala ang nakatakda kong pakasalan- na syang mahal ko na noong oras na iyon.
Hindi mahirap na mahalin si Alexander, may pagkapilyo sya pero kapag nakikita niyang hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa nya ay tumitigil na naman sya. Kapag nagagalit ako sa kanya ay agad nya akong sinusuyo at pinapatawa- kaya sa huli, nagkakabati rin kami. Araw-araw ay sinusulatan nya ako ng letter na hinuhulog nya sa may locker ko at yun ang nagpapasaya sa akin. Makita ko lang sya at makasama ay buo na ang araw ko, masaya na ako.
"Ms. Margaux, nandito na po tayo." Napatingin ako sa labas kung saan tanaw ko ang dati naming bahay. Agad naman akong pinagbuksan ni Arthur- sya ang head ng aking body guards.
Napangiti ako sa saya ng makita ang dati naming bahay. Puro glass ang wall ng bahay na syang ikinatutuwa ko noon pa man. Gusto ko kasing makita noon ang pagsikat at paglubog ng araw. Ganun pa rin ang ayos ng bahay ng pumasok ako, maayos ito at halatang bagong linis dahil sa wala ni isang mababakas na dumi. Parang isang araw lang ako nawala.
Umupo agad ako sa sofa sa may living room, pagod na pagod ako dahil sa layo ng byahe at gusto ko na talagang magpahinga. Pero ng makita ko ang isang simple ngunit magandang photo album ay nawala ang lahat ng pagod ko. Lalo na nang simulan ko itong buklatin.
Photo album ito na binigay sa akin ni Rebecca noon. Lahat kami ay may ganitong kopya at halos magkakaparehas lang ang designs, mga pictures, at ang mga nakasulat doon. Binigyan kami ni Rebecca nito upang hindi raw namin malimutan ang samahan na aming nabuo sa loob ng mahigit isang taon.
Nandito iyong pictures namin habang kumakain sa cafeteria ng school, sa rooftop, sa park, at sa kung saan-saan pa. Matapos ang pictures naming magkakasamang lahat ay ang pictures naman nila Jacqueline at Kenneth na magkasama. Ganun din sa mga sumunod na pahina, pictures nila Veronica at Russel, Felicity at Lucas, Amber at Nicholas, Rebecca at Matthew, at ang picture namin ni Alexander.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha habang tinitignan ang picture namin ni Alexander na magkasama. Kuha ito noong valentines day, mayroon akong hawak na isang magandang bouquet ng flowers at nakangiti. Kita sa hitsura ko ang saya at pagmamahal dahil kay Alexander at ganun din sya. Naka-akbay sya sa akin habang hawak ang si Berber- ang stuff toy na binigay nya sa akin. Nakangiti sya pero hindi sya sa kamera nakatingin kundi sa akin.
Kung hindi kaya ako umalis, masaya pa rin kaya kami? Kami pa rin kaya? Mahal nya pa kaya ako? O may mahal na syang iba? Mas lalo akong nalungkot sa naisip kong iyon. Kung may mahal na syang iba, paano na ako? Ang sakit isipin na wala akong karapatan na masaktan dahil unang-una, ako ang nang-iwan sa kanya. Pero, sana naman maintindihan nya ang desisyon kong iyon. Para rin naman iyon sa ikabubuti nya.
"Ms. Margaux? Bakit po kayo umiiyak?" Napayuko ako at agad na pinunasan ang luha sa aking mga mata.
"N-Napuwing lang ako, Selya. Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya. Alam kong hindi sya nakumbinsi sa sinabi kong palusot ngunit wala akong pakialam.
"Nasa kabilang linya po si Sir Ethan. Gusto raw po kayong makausap." Aniya. Tumango-tango naman ako at saka lumapit sa telephone na nasa living room.
"Iwan mo na ako Selya." Utos ko kay Selya na agad nya namang sinagot. Si Selya ay kasing edad ko lang, anak sya ni Manang Fe na syang nag-alaga sa akin mula pa noong baby pa lang ako.
"H-Hello?" Nauutal kong wika. Tumikhim ako dahil parang may lump na nakaharang sa lalamunan ko.
"Are you crying?" Malamig na wika ni Ethan sa kabilang linya. Iba ang dulot sa akin ng boses nyang iyon. Nakakatakot, na parang hindi mo sya pwedeng suwayin at hindi mo sya pwedeng lokohin. Walang emosyong mababakas dito.
BINABASA MO ANG
Senior Life: Life where real world begins
Teen FictionNabuo ang kanilang samahan nang dahil sa pagkakaiba-iba ng kanilang mga ugali, paniniwala at prinsipyo sa buhay. Dahil doon ay mas tumibay ang kanilang pagsasamahan, isama pa ang mga nabuong pag-iibigan. Sinong mag-aakala na si Amber- na hate na hat...