Kabanata Three

5 0 0
                                    

Kabanata Three

Jacqueline's POV

Nandito kami ngayon sa bahay nila Margaux. Nasurpresa talaga ako nang makita ko kung sino ang lalaking nasa likod ni Margaux. Si Ethan Santillan, kilala ko sya dahil ang parents nya ang isa sa mga business partners ng magulang ko at sya ang pinsan ng ex-fiance ko. Ex fiance dahil hindi ako pumayag, in-arranged marriage ako noon pero ayoko talaga so I tried to run away.

Hanggang ngayon ay kila Kenneth pa rin ako nakikitira. Okay naman ang buhay ko kila Kenneth, may sarili naman akong pera dahil luckily ay hindi pinutol ng parents ko ang bank account ko. Kay Kenneth ako masaya pero hindi yun matanggap ng mga magulang ko dahil magka-away ang pamilya namin ni Kenneth pagdating sa business.

"Sino sya?" Tanong ni Veronica na syang nasa tabi ni Chester.

Napatingin naman si Margaux sa likod nya at saka tipid na ngumiti. "Si Ethan nga pala." Pakilala ni Margaux sa amin. Pinakilala nya kami isa-isa kay Ethan at kita ko ang kakaibang ngiti nito sa akin nang ipakilala ako sa kanya ni Margaux. Bakit ba ako natatakot sa kanya? Pinsan lang naman sya ng ex fiance ko. At hindi na dapat sya nakikialam pa sa buhay ko.

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila Alexander at Ethan pero dahil masyado akong kinakabahan ay nagpaalam muna akong pumunta sa kitchen. Agad akong kumuha ng tubig at ininom ito. Kalma, Jacqueline. Kalma lang.

"Dear, are you alright?" Halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita sa likod ko si Kenneth. Sumunod pala sya sa akin, hindi ko man lang namalayan.

"Kainis ka! Ginulat mo naman ako!" Wika ko at saka hinampas ang dibdib nya. Nakilala ko si Kenneth noong mga bata pa lang kami, schoolmate kami at madalas akong asarin noon dahil napabalita sa school na may babae ang dad ko. At si Kenneth ang tagapag-tanggol ko sa lahat ng nambu-bully sa akin. He's my knight in shining armour while I'm his damsel in distress.

Palagi nya rin akong pinapatawa at binibigyan ng ice cream noon kaya gumagaan ang pakiramdam ko. Kaya noong aminin nya sa akin na gusto nya ako ay natuwa ako. Inamin ko rin ang nararamdaman ko sa kanya pero nalaman ng mga magulang ko na close ko si Kenneth kaya nilayo nila ako sa kanya at in-arranged marriage sa isa sa mga business partners nila.

Bata pa kami noon kaya walang nagawa si Kenneth. Until one day, tumakas ako at bumalik nang bansa. Nalaman ko kung saan lumipat sila Kenneth kaya agad ko silang pinuntahan. Mababait naman ang parents ni Kenneth sa akin, hindi sila tulad ng parents ko na sobrang stirkto at kalaban ang tingin kay Kenneth.

"Sorry. Are you alright?" Tanong nito sa akin. Ngumiti naman ako at niyakap sya.

"As long as I'm with you, I'll always be alright." Sambit ko at saka dinama ang pagkakataon. Ayoko sanang mag-isip ng masama pero ngayong nakita ako ni Ethan, hindi malabong madali na rin akong mahanap ng mga magulang ko.

Bumalik kami sa living room at nadatnan namin silang nagkukwentuhan at nag-aasaran habang nanonood ng isang movie. Nakakanood pa kaya sila ng maayos? Eh ang iingay nila? Hay nako. Napatingin ako kay Ethan at nakita kong ngumiti sya sa akin bago tumingin kay Margaux na ngayon ay nasa tabi nya, umakbay pa sya dito kaya nakita ko ang pagtiim ng bagang ni Alexander.

"Guys, dito na lang kayo magpalipas ng gabi." Ani Margaux nang tumingin sa orasan. Alas onse na nang gabi at wala namang pasok bukas kaya naman pumayag na kami. Nagtuloy kami sa pagkukwentuhan at nang magalas dose ay naisipan naming magswimming.

"Kamusta na kaya sila Russel at Felicity?" Biglang tanong ni Nicholas. "Sila na lang ang kulang at buo na ulit tayo." Nakangiting wika nito. Mabuti ay nagkabati na sila Amber at Nicholas at nagka-usap na rin sila Nicholas at Margaux.

Senior Life: Life where real world beginsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon