Kabanata Two

5 0 0
                                    

Rebecca's POV

First day of school ngayon at excited akong pumasok. Syempre, dahil makakasama ko na naman ang baby ko at bukod dun ay bumalik na si Margaux. Sila Russel at Felicity na lang ang kulang at mabubuo na ang grupo namin.

"Love, daan muna tayo sa coffee shop ni mommy bago tayo pumasok. Namiss ko na kasi ang coffee at cheese cake dun." Wika ko kay Matthew na nakaupo sa sofa. Nasa living room kami ngayon ng bahay, may isang oras pa naman bago magsimula ang klase kaya okay lang na dumaan muna kami sa coffee shop ni mommy.

Wala doon si mommy dahil nasa ibang bansa sya kasama si dad. Second honeymoon daw, naging busy kasi sila few weeks ago kaya nawalan sila ng time sa isa't-isa. Nakakatuwa ang parents ko dahil kahit matagal na silang mag-asawa at magkasama ay hindi pa rin nawawala ang sweetness nila sa isa't-isa. Kahit busy ang schedule nila, they always find time para sa isa't-isa at para sa akin.

Sana nga at ganun rin kami ni Matthew, si Matthew aakalain mong tahimik lang sya pero kapag nakilala mo na sya ng maigi ay may kakulitan ring tinatago. Sweet rin sya at maalaga kaya naman mas lalo pa akong nai-in love sa kanya. Everyday of my life, hindi ko pinagsisihan na ako ang nag-effort at gumawa ng first move para mapansin nya dahil worth it naman ang lahat ng ginawa ko. Matthew is the love of my life at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag nawala sya sa akin.

Baka matulad ako kila Alexander at Lucas na napariwara ang buhay noon ng iwan sila nila Margaux at Felicity. O baka matulad ako kay Veronica na tinatago ang sakit sa pamamagitan ng isang ngiti. Nakakalokang isipin, ayokong matulad sa kanila. Pero alam kong darating sa point na may mangyayaring malaking problema sa relasyon namin ni Matthew at natatakot akong malapit nang mangyari iyon. Sabi kasi nila, kapag nagmahal ka, kaakibat noon ang sakit.

One year na kami ni Matthew pero wala pa kaming big issue na napag-awayan. Nag-away na kami noon, pero dahil lang iyon sa pagseselos nya. Ako? Hindi pa ako nagseselos ng dahil sa kanya. Lagi nya kasing pinaparamdam sa akin na ako ang pinakamahalagang babae sa buhay nya bukod sa mommy at mga kapatid nyang babae.

"Sana mapatawad na ni Nicholas si Margaux. Alam ko namang galit sya kay Margaux dahil iniwan nito ang kapatid nya pero sana, maisip ni Nicholas na i-save ang friendship nila ni Margaux." Wika ko habang nasa byahe kami. Napatingin sa akin si Matthew at ngumiti, napangiti rin ako. Nakakahawa talaga ang ngiti ng lalaking ito.

"Kilala mo si Alexander, kahit anong sakit ang dinanas nya sa pag-iwan sa kanya ni Margaux ay pagsasabihan nya pa rin ang kapatid nya." Aniya na syang sinang-ayunan ko. Nagpapasalamat ako at nandito si Matthew, pinapadali nya para sa akin ang lahat.

Tama naman sya, kilala ko si Alexander at talaga namang mabait sya. Noon ngang tinago sya ni Tito Mike-ang daddy nila ni Nicholas- ay hindi sya nagtanim nang galit dito. Bagkus ay pumayag pa syang magong fiance ni Margaux para ma-save ang company ng dad nila. Hindi pa namin sya kilala nila Margaux ay alam na ni Alexander na fiancee nya si Margaux.

Magkakaibigan kasi kami ni Margaux, Russel at ako. Lumipat lang kami sa SBU na pinag-aaralan namin ngayon dahil sa kagustuhan ni Russel na mapalapit kay Veronica at dahil sa kagustuhan ko rin na mapalapit kay Matthew.

Nakarating din naman agad kami sa coffee shop ni mommy, hindi naman kasi ito ganun kalayo sa bahay. Pumasok na kami at saka umupo sa bakanteng upuan. "Ako na ang o-order." Wika ni Matthew at saka tumayo. Kahit naman kasi kami ang may-ari nitong coffee shop ay hindi kami nagkakaroon ng special treatment dito. Ayaw kasi ni mommy nun, at ayaw ko rin naman dahil nakakailang.

Napatingin naman ako sa phone ko ng mag-vibrate ito. Binasa ko agad ang message nang makita kong galing ito kay Amber, ano naman kaya ang kailangan nito? Paniguradong nasa school na ito kasama si Nicholas o baka naman sya lang. Nagka-away nga pala sila ni Nicholas noong nakaraang linggo at hanggang ngayon ata ay hindi pa sila nagpapansinan.

Senior Life: Life where real world beginsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon