Kabanata Four

3 0 0
                                    

Kabanata Four

Felicity's POV


Hanggang ngayon ay pinag-iisipan ko pa rin ang nabuong plano sa isipan ko. Nakita ko sa mga mata ni Lucas ang galit, alam kong mahal nya pa ako dahil kung hindi na bakit pa sya magagalit sa akin? Ilang araw rin akong hindi nakatulog kaya naman absent ako sa araw na ito. Nagkasakit kasi ako dahil sa sobrang pagpapagod ko, binuhos ko kasi ang oras ko sa pag-aaral, paglilinis ng bahay, at pumapasok pa ako sa restaurant namin para lang makalimutan ko si Lucas kaya ito at naover fatigue ako.

Hindi kinaya ng katawan ko ang hirap. Physically and emotionally, thursday na ngayon at isang linggo na ang nakakaraan ng bumalik kami ni Russel sa Pilipinas. Sa loob ng isang linggo na yun ay walang pinaramdam sa akin si Lucas kundi ang galit nya sa akin maging kay Russel. Nakita ko rin kung gaano sya kamahal ni Rachelle at kung gaano kabait ito.

Kahit inamin ko sa harapan nila na mahal ko pa rin si Lucas ay hindi nya ako tinuring na kaaway o kaagaw. Bagkus ay sya pa ang sumusuway kay Lucas tuwing magsasalita ito ng hindi maganda tungkol sa akin at kay Russel.

Si Russel naman ay naging busy sa page-effort na manligaw ulit kay Veronica. Ramdam kong ilang sa akin si Veeonica at hindi ko naman sya masisisi. Akala nya ay niloko namin sila ni Lucas pero hindi naman yun totoo. Hindi yun totoo dahil mahal na mahal ko si Lucas at mahal na mahal ni Russel si Veronica.

Narinig ko namang may nagdoor bell, wala ang katulong namin ngayon dahil umuwi ito sa probinsya nila kaya ako lang ang naiwang mag-isa. Pinilit kong tumayo mula sa pagkakahiga sa sofa at saka binuksan ang gate ng bahay. Tumambad naman agad sa akin ang mukha ni Lucas- ang mukha ng taong mahal na mahal ko.

Ngumiti sya sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" Mahinang sambit ko. Talagang nanghihina ako ngayon at wala akong lakas upang tanggapin ang nga masasakit na bagay na sasabihin nya sa akin.

"Gusto kong makita ang babaeng nanloko sa akin." Wika pa nito.

Napapikit naman ako ng madiin, "P-Please. Huwag ngayon." Pagmamakaawa ko sa kanya. Tinulak nya naman ako para makapasok sya sa loob. Mahina lang ang pagkakatulak nya sa akin pero dahil sa may sakit ako ngayon at nanghihina ay muntikan na akong ma-out of balance. Mabuti na lang at nasambot nya rin agad ako.

"S-Sorry." Aniya. Nanlaki naman ang mga mata ko. Tama ba ang narinig ko? Nagsorry sya sa akin? Bigla naman gumaan ng konti ang pakiramdam ko. Itinayo nya na ako ng maayos at saka tumingin sa ibang direksyon.

"Sinong kasama mo?" Tanong nya pa sa akin.

"W-wala. Pero kaya ko na ang sarili ko." Wika ko at saka ngumiti sa kanya.

"Sasamahan na kita at huwag ka nang umangal pa." Inis na wika nito at saka naglakad na papasok sa loob ng bahay. Sinarado ko naman ang gate at saka sumunod sa kanya sa loob. Medyo natagalan pa ako dahil sa nanghihina talaga ako.

Pagkapasok ko sa loob ay wala sya sa living room. Saan naman kaya pumunta iyon? Dumiretso ako at saka humiga sa couch. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako nang maramdamang may tumatapik sa akin, si Lucas. Nakaupo sa gilid ko.

"Bumangon ka muna dyan at nagluto ako ng chicken soup. Kumain ka na para makainom ka ng gamot. Ako na ang magsusubo sayo dahil alam kong hindi mo kaya." Tuloy-tuloy na sambit nito at saka ako tinulungang makatayo. Pinakain nya ako at saka pinainom ng gamot. Nilagyan nya rin ako ng basang bimpo sa noo ko. Inalagaan nya ako magdamag. Gusto kong itanong kung hindi ba sya hanapin ni Rachelle o kung alam ba ni Rachelle na nandito sya at inaalagaan ako pero ayokong sirain ang moment namin. Moment namin ito, ako at si Lucas. Walang Rachelle na kasama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Senior Life: Life where real world beginsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon