THE ABENDYERS PRESENTS: "INCREDIBLE HUNK" BY: DARK (PART 1/2)

115 2 0
                                    

PALAGING nilalait at kinukutsa ng mga tao si Hunk sa tuwing nakikita sya ng mga ito. Isa kasi syang kuba. Ipinaglihi sya ng kanyang ina sa Ninja Turtle para raw maging kasing lakas at liksi sya ng isang Ninja, kaya lang ay nagmukha naman syang Turtle. Gusto rin ng kanyang ina na maging Hearthrob sya balang araw tulad ni Piolo Pascual kaya Hunk ang naging pangalan nya pero tila malabo na itong mangyari dahil sa kanyang kapansanan.

Tanging ang bestfriend lang nya na si Tibur ang nakakatanggap ng buo nyang pagkatao. Pangit kasi ito tulad nya.

"Hayaan mo na sila, Hunk. Mga wala lang silang magawa sa buhay nila." alo ng kanyang bestfriend. Kinutsa nanaman kasi sya ng mga tao sa bayan ng tatlong hari nang magawi sya roon.

"Lagi na lang nangyayari ito. Lagi na lang silang ganu'n sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila pero kung ituring nila ako ay parang hindi tao." pagmumukmok nya.

"Alam kong nagdaramdam ka. Parang tao ka lang rin na nasasaktan pero wag mo na silang problemahin. Ang mabuti pa'y maghanda ka na lang ng pagkain natin." Bumuntong hininga na lamang si Hunk.

"Ano pa nga bang magagawa ko?" tumayo sya upang kumuha ng mga panggatong sa loob ng gubat upang makapagluto na siya ng kanilang makakain.

---

MAGKASAMANG naninirahan sina Hunk at Tibur malapit sa paanan ng bundok. Pareho na kasi silang ulila sa mga magulang. Mas pinili nila na doon manirahan upang makaiwas sa pangungutsa ng mga tao. Pero minsan ay nagtutungo pa rin sila sa bayan upang magtinda ng Spinach. Yun kasi ang pangunahingitinatanim nila sa bundok.

---

NASA loob na ng gubat si Hunk upang manguha ng gatong nang bigla nyang mapansin ang isang nakahandusay na matanda. Tila wala itong malay. Dali-dali nya itong nilapitan at inalalayan.

"Manong.. Manong, gising ho! Napa'no kayo?"

Kumurap-kurap naman ang matanda at tumingin sa kanya.

"P-pagkain.. Tatlong araw na akong hindi kumakain. G-gutom na gutom na ako, iho." saad ng matanda.

Nahabag naman si Hunk sa kalagayan ng matanda. Mabuti na lamang at may dala syang extra spinach na nakatago sa bulsa sa may singit nya. 

Dinukot nya ito at ipinakain sa matanda. Nginuya naman nito ang pagkain.

Mayamaya pa ay biglang nagmulat ng mga mata ang matanda. Tila nagkaroon ito ng panibagong lakas matapos makain ang spinach. Bumangon ito ng pa-tumbling at saka itinaas ang mga braso na parang nagpapa-macho.

"Maraming salamat sa'yo, iho. Dahil sa pagtulong mo ay nagkaroon ako ng bagong lakas. At dahil sa kabutihang ginawa mo, gagantimpalaan kita. Gagawin kitang POGI!"

"Ano? Talaga ho? Magiging kamukha ko na ang idol ko na si Piolo? Papaano nyo ho magagawa iyon?" tuwang-tuwang tanong ni Hunk.

"Merong dalawang paraan para maging pogi ka, una ay ang magpa-Belo . Pero kung wala ka namang pera, ito ang pangalawang solusyon..." sabay pakita ng isang botelya na may lamang kulay green na likido. Ibinigay nito ang bote kay Hunk.

"Ano ho ito?"

"Yan ang magpapapogi sa'yo!... Yan ay mula sa pinagsamang laway ng isang ibon na nagpapakita lamang kapag walang nakatingin, pawis mula sa singit ng kapre, dinikdik na kuko mula sa paa ng manananggal, at ang special ingredients na lumot mula sa lawa ng dagat na walang ilog." paliwanag nito.

Hindi naman napakinggan ni Hunk ang mga huling sinabi nito dahil pagkarinig pa lang niya ng salitang magiging pogi sya ay kaagad na nyang ininom ang laman ng bote.

"... Pero syempre, gagana lamang iyan kung ipapahid mo ito sa iyong kilikili at sabay sisigaw ka ng POGI AKO!" napansin ng matanda na ininom na ni Hunk ang Potion. "Anong... Eeew! Bakit mo ininom?"

THE ABENDYERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon