THE ABENDYERS PRESENTS: "TOR" - BY: DARK

88 2 0
                                    

SI Tor Yente, isang kawatan ng kawad ng kuryente sa bayan ng tatlong hari. Siya ang pasimuno ng Jumper sa lugar na iyon. Bawat gabi ay makikita siya sa mga poste at bubong ng mga bahay habang nagkakabit ng mga ilegal na kawad ng kuryente...

Isang gabi, nasa itaas ng poste si Tor. Sa ibaba naman nya ay ang look-out partner nya na si Looki.

"Ano ba, Tor, matagal pa ba 'yan?" naiinip na sabi ni Looki sa kanya.

"Sandali na lang ito. Aalisin ko lang ang ilang mga pako na nakakasagabal." binunot nya ang matilyo sa kanyang bewang pero nabitiwan nya ito.

"ARAY!" sabi ni Looki matapos syang mabagsakan ng martilyo sa ulo.

"Pasensya na, pakiabot na lang yung martilyo sa akin."

"Langya ka talaga, Tor!" kinuha nito ang martilyo. Umakyat si Looki sa poste at iniabot ito sa kanya.

Kinuha naman ni Tor ang martilyo. Gagamitin na sana nya ito nang aksidente nyang mahawakan ang isang naka-usling wire na walang balat. Nakuryente si Tor at gumapang pa ang kuryente na ito sa martilyo nya. Hindi nya napansin na unti-unting nagbabago ang hitsura ng martilyo. Naging parang bloke na kulay silver ito.

"TOR!" sigaw ni Looki matapos makita na nagkikisay si Tor.

Aalalayan na sana ni Looki si Tor nang biglang nagkaroon ng short-circuit.Biglang nagkaroon ng pagsabog. Tumilapon silang dalawa sa magkahiwalay na lugar.

----

NAGMULAT ng mga mata si Tor. Bigla nyang naalala ang mga nangyari.

Napansin nya ang sarili. Himala na wala man lang syang gaanong pinsala. Labis nyang ipinagtataka ito dahil alam nya na nakuryente at nasabugan siya. Bukod pa do'n ay tumilapon siya mula sa poste kaya kataka-takang wala man lang syang pinsala?

"SI LOOKI!!" naalala nya ang kasamahan na nasabugan rin.

Hinanap nya ito sa lugar na iyon pero nabigo sya.

Napansin nya na papalapit na ang mga madlang pipol sa pinangyarihan ng pagsabog. Nagmadali na syang umalis at lumayo sa lugar na iyon.

---

DAHIL sa nangyaring insidente ay ipinasya na lamang ni Tor na magbagong buhay. Ipinagpapasalamat nya na buhay pa sya.

Naging isa syang karpintero. Kung dati ay makikita sya sa mga bubungan habang nagkakabit ng mga ilegal na koneksyon ng kuryente, ngayon ay makikita syang nagkukumpuni ng mga sira ng mga bubong ng bahay.

Isang araw, habang nag-aayos ng bubong ay hindi mahagilap ni Tor ang kanyang martilyo.

"Nasaan na ang martilyo ko?" bigla na lamang may bumagsak na martilyo mula sa kung saan.

"ARAY!" tinamaan sya sa ulo ng bumagsak na martilyo na ito. "Pucha... Teka, saan galing ang martilyo na ito?" naiiling nyang sabi matapos makita ang silver na martilyo na hugis bloke.

Ipinagsawalang kibo na lamang nya ito at ipinagpatuloy ang ginagawa. Kumuha sya ng pako at itinutok sa kahoy. Pinukpok nya ang pako na iyon nang bigla na lamang kumislap ang martilyo, kasunod ay ang paglabas ng mga kuryente sa paligid. Nabigla sya sa nangyari kaya nabitiwan nya ang hawak na martilyo.

"ARAY!" sigaw ng isang matanda matapos mabagsakan ng martilyo sa ulo.

"Ah, sorry po manong," paumanhin nya. Umalis naman kaagad ang matanda.

Pinagmasdan muli ni Tor ang kakaibang martilyo na iyon. "Bakit nagkaroon ng kuryente ang MARTILYO?" pagkasabi no'n ay bumalik muli sa kanya ang martilyo.

"ARAY!" tinamaan nanaman sya sa ulo matapos itong bumalik.

Tila ba napaisip sya. May hiwaga sa martilyo na iyon at pakiramdam nya ay bumabalik ito sa kanya sa tuwing babanggitin nya ang salitang 'MARTILYO'. Gusto nyang mapatunayan ang hinala kaya hinagis nya sa malayo ang martilyong ito.

THE ABENDYERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon