5:30 am
Maaga akong nagising at parang tinatamad pa akong bumangon kaya humiga muna ako sa aking kama na parang ayoko ko na munang umalis doon
Ang sarap matulog...
ZzZzzzzz...
"Anak gising na! " Nabigla ako ng marinig ang sigaw ni mama
" 5 minutes ma!" Sagot ko
" Anak gising na " bigla ay naging malumanay ang boses niya
" Anakk.. nandito ang lola mo kukunin ka na niya anak" bigla siyang umiyak
" Ma si lola Nelly nasa hospital pano niya ako masusundo"
" Hindi siya anak... "
Hindi kaya Lola ko sa side ni mama?
Ha? Bakit? Ni hindi ko nga kilala yun sino ba siya? Anong pangalan niya? Hindi ko alam kung ano yung itsura niya? Ni hindi ko maitanong yan kay maam kasi mula noon hindi nag abala si mama na ikwento siya saakin, yung lola ko lang na ina ng papa ko yun lang ang nakakasama ko pero nasa hospital siya nagpapagaling...
" Huh? Ayokong sumama ma.. bakit ngayon lang siya nag pakita? Sa pagka haba haba ng panahon ngayon lang siya nagpakilala saakin at may klase ako ma wag kang makulit " paliwanag ko habang naka pikit kase inaantok pa ako
" Anak mahal ka ng lola mo sumama kana sakanya" pangungumbinsi ni mama
"Ayoko ko ma ikaw na lang yung sumama ikaw yung anak niya diba? " naiinis na talaga ako
Bigla kong naramdaman na may umupo sa aking kama at naramdaman ko ang haplos nito sa aking buhok
Pagmulat ko..
Aaahhhhhh!!!!!
" Maaaa!!! "
"Hoy! " Bigla akong nagising ng mapansing hindi si mama ang nasa harap ko
Si ate VYYNNAA!!!
" Anong mama mama ka jan wala dito si mama diba nagpa alam na siya sayo pupunta siya ng Bulacan " paliwanag niya
Nabigla ako sa presensya niya dahil madalang siyang pumunta dito sa bahay
Ang ganda niya parin...
Bigla akong tumalon at niyakap siya ng mahigpit
" Ate na miss kita kamusta kana? Bat ngayon ka lang bumisita dito? "
" Busy ako ano ka ba marami kasing inaasikaso yung asawa ko kailangan niya ako sa tabi niya " paliwanag niya habang tinutupi yung kumot ko
" Eh bakit nandito ka akala ko ba busy kayo" tanong ko habang hinahanap ang towel
" Naki usap si mama na dito muna kami ng asawa ko mag stastay habang wala siya mahirap na puro kayo babae dito at saka na miss ko na kayo " paliwanag niya
BINABASA MO ANG
Beyond Endless Love |On Going|
Teen FictionFebruary 14, 1976 - 10:46 pm nung una kitang makita bigla lumiwanag ang gabi ko nung nasilayan ko ang matamis mong ngiti Nagsilbi itong bituin sa madilim kong gabi, sa sobrang dilim ng paligid hindi ko kayang mangamba dahil abala ako sa pagtitig ng...