Prologue

13.8K 266 27
                                    


Prologue




"Masaya naman tayo dati, hindi ba?"



Nilingon ko siya dahil sa sinabi niya.



"O-Oo naman," nangangatal ang boses kong sagot dahil sa pagpipigil na kumawala ang aking luha.



"Then why did you leave me?" May bahid ng lungkot ang boses niya.



Sumikip bigla ang dibdib ko. Hindi ko inasahan na itatanong niya iyon sa akin.



"I'm sorry..."



"Sorry lang?" Natawa siya nang pagak pagkatapos ay bigla na lamang niyang hinampas nang malakas ang manibela ng kotse.



"Yohan..." usal ko sa pangalan niya.



Sinubukan kong hanapin ang tamang salita, ngunit hindi ko iyon nakapa sa dulo ng aking dila.



"F-ck! After eight years sorry lang ang maririnig ko sa 'yo? I don't deserve that, Genre. I don't!" Nakita ko ang luhang naglandas sa mukha niya.



"Yohan, I'm sorry. I didn't mean to hurt you."



"But you did!" he yelled that made me cry. "You left me without explanation. Not just once but twice. Gabi-gabi tinatanong ko iyong sarili ko kung ano ba ang nagawa kong mali? Saan ba ako nagkulang? After three years bumalik ka. Akala ko okay na, pero iniwan mo ulit ako. Ilang beses mo ba akong balak patayin, Ms. Demaco?"



I saw the pain in his eyes. Memories of our break up played on my mind. Kasalanan ko lahat ito... kasalanan ko kung bakit pareho kaming nasasaktan ngayon.



"I did that because I have to. My parents told me to do that. And I don't have a choice since they forced me to study abroad."



"Gano'n-gano'n lang 'yon? Ang dali mo naman akong isuko." Sumubsob siya sa manibela at narinig ko ang mahina niyang mga hikbi. Those sounds were killing me.



"Hindi ko ginusto iyong nangyari, pero kinailangan kong gawin."



Tumunghay siya at hinarap ako. "Pero sana man lang inilaban mo ako."



"I did... pero hindi ako nanalo." Isinubsob ko ang mukha sa aking mga palad.



"Sana sinabi mo! Akala ko ba magkakampi tayo? Edi sana sabay tayong lumaban."



"Please stop. Wala na namang mangyayari kahit pag-usapan pa natin. Nangyari na ang nangyari. Wala na tayong magagawa."



"Do you still love me?"



"Aalis na ako." Binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas na.



"Now you're going to leave me again like what you did before."






I was his girl. But now, I'm just his mistress.






____________________________________________________________________________

Mist of DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon