CHAPTER 2

15.3K 472 17
                                    

Napahigpit ako sa pagkakahawak ko sa shoulder bag ko habang naglalakad ako sa loob ng Eastberg. Sampung beses na yata akong huminga ng malalim dahil hindi ako kampante sa mga estudyanteng nakatingin sa akin. Para akong paninda sa palengke na sinusuri nang mabuti kung bulok o bago pa.

Huminto ako nang may tatlong babaeng humarang sa dadaanan ko. Tumingin ako sa kanila, ngunit mukhang pinanganak yata sila sa sama ng loob dahil nakasimangot sila sa akin.

“Excuse me.” Tipid akong ngumiti sa kanila.

“Transferee ka?” nakataas pa ang kilay ng mistisang babae.

Tumango ako. “Yes.”

Nagkatinginan ang tatlo at pagkatapos ay nagngitian sila bago ako binigyan ng daan.

“Thank you.” Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Habang hinahanap ko ang classroom ko, napansin kong nakasunod ang ibang estudyante sa akin. Kapag nililingon ko sila, humihinto sila at nagkukunwaring hindi ako sinusundan.

Huminto ako at tumingin sa kanila.

“Excuse me,” sabi ko.

Tumingin sila sa akin ngunit hindi nagsalita.

“Bakit ninyo ako sinusundan?”

Itinuro nila ang nasa likuran ng palda ko. Kinapa ko iyon at may nakapa akong isang puting papel.

“You'll die.”

Tinaas ko ang papel at tinanong ang mga estudyanteng obvious naman na ako ang sinusundan.

“Anong ibig sabihin nito?”

Ngunit para lang akong kumakausap sa hangin dahil walang nagsalita sa kanila. 

“Ang weird nila.” Pailing-iling ako habang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa mahanap ko ang classroom ko.

Nag-umpisa ang klase ngunit hindi katulad sa ibang school na sa tuwing unang araw ng klase, nagpapakilala ang mga estudyante. Dito, hindi nagpapakilala. Nag-attendance lang ang professor at pagkatapos binigay ang magiging lecture para bukas. Wala rin gaanong pumasok sa classroom namin.

Nang sumapit ang lunch break, hindi na ako lumabas ng classroom para kumain dahil may baon naman ako. Sinarado ko na lang ang classroom at kumain mag-isa doon.

“‘Wag po! Tama na.”

Huminto ako sa pagsubo ng pagkain at tiningnan ang ingay sa labas. Paglabas ko, nakita ko ang isang lalaki na binu-bully ng mga estudyante doon.

Tinapunan ng basura ang lalaki kaya nadumihan ang suot niyang damit. Pinagbabato siya ng kung ano-ano. Napansin ko ang kalalakihan na nakaharap dito at tuwang-tuwa sa pambubully nila samantalang ang ibang estudyante ay nagtatawanan pa.

Kuyom ang kamao ko habang pinapanood sila. Hindi ko kayang panoorin na lang ang ginagawa nila. Matagal ng ipinagbabawal ang pangbu-bully, makukulong na. Ngunit bakit sa magandang school pa na ito nangyayari?

“Anong ginagawa ninyo sa kaniya?” Lumapit ako sa lalaki at pilit siyang binubuhat.

“‘Wag kang makialam dito, Miss,” sagot ng lalaking binu-bully, tinutulak pa niya ako para umalis.

“Tutulungan kita.”

“Hindi mo alam ang ginagawa mo.”

“‘Wag mo na siyang pakialaman, Miss. Gusto nga niyang nahihirapan siya.”

Kuyom ang kamao ko at pagkatapos ay tumayo ako at humarap sa mga lalaki. Ngunit mas nagulat ako nang makilala ko ang isa sa mga lalaking nambu-bully.

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon