Maaga siyang gumising kinaumagahan. Alas tres treinta pa lang ng madaling araw ay naka-park na sa tapat ng mansyon ang isang itim na range rover.
Naligo siya at nagbihis sa isang pares ng pantalon at puting t-shirt na pinatungan niya ng maong na jacket. Isinuot niya ang rubber shoes at saka kinuha ang violin case bago lumabas ng kwarto.
Sa labas ay naroon si manong Dandoy habang nagkakape. May tatlong tumbler na inihandi si yaya Flora para sa kanila.
"Ayen, ito ang sa iyo tapos sandwich mo."
"Thanks yaya."
"Senyorita, sa sasakyan lang po ako."
"Sige manong, susunod po ako."
Niyakap niya si yaya Flora at saka ito ginawaran ng halik sa pisngi bago nagpaalam dito.
"Mag-iingat kayo doon."
"We will, yaya."
Habang palabas ng dining ay pasimple siyang lumingon sa kwarto ni Chase. Is he still asleep?
Tsk. Malamang, Cayenne. It's three thirty in the freaking morning.
Hinatid siya ni yaya Flora hanggang sa sasakyan. Nasa driver's seat na si manong Dandoy at siya na lang ang hinihintay.
Pagbukas niya ng back seat, nagulat pa siya ng makita kung sino ang nakaupo doon. "What are you doing here?" Awtomatikong tanong niya.
"You brother suggested I go with you."
"Bakit? Akala ko ba si kuya ang susundo sa akin? Manong Dandoy?" Baling niya sa driver.
"Ah senyorita, sabi kasi ni senyorito, kikitain na lang daw po niya tayo sa Apayao kaya mauna na lang daw po tayo doon. May inaasikaso pa daw po kasi sila sa hospital."
"He said that?"
"Opo. Ang chopper na lang daw po ang maghahatid sa kanya doon."
"Hindi natin gagamitin ang chopper? Magtre-trekking tayo paakyat ng bundok?"
"Opo senyorita..."
She groaned. Her brother should have known na hindi siya nagtre-trekking! Is he trying to punish her dahil sa ginawa niya noong nakaraan kay Chase?
Pumasok na siya ng sasakyan. Chase was on the left side of the window at siya naman ay sa right side. Inilagay niya sa paanan niya ang violin case at ang bag niya sa gitna nila. Ipinasak niya sa tenga ang earphones at saka sinimulang makinig kay Beethoven. Isinandal niya ang ulo sa head rest at ipinikit ang mga mata. All the time she was aware of a pair of midnight eyes that has never left her since the moment she entered the car.
She didn't look his way.
Ilang minuto lang na pakikinig at nakatulog na siya. She unconsciously shifted at the middle of her sleep until she found a comfortable position. Warm and musky. Then she felt herself succumbing to sleep again.
Bahagyang nagising ang diwa niya dahil sa kagustuhang umihi. She stirred in her sleep. Bahagyang ibinukas ang mga mata.
First thing she noticed, was a white t-shirt. Second was her right arm which is sprawled over a stomach. Third was her weird position, as if her body is leaning onto someone.
Napakunot noo siya. What is this?
Nasa ganoon siyang pag-iisip when that someone, who she's leaning into, shifted. Nabura ang agiw sa utak niya. Agad ding nagising ng tuluyan ang diwa niya.
She looked up and she saw Chase sleeping peacefully, his lips a few centimeters away from her forehead dahil sa ginawa niyang pagtingala dito. Their faces are too close she could already breathe in his manly scent. Her face started to heat up.
BINABASA MO ANG
Comrades in Action: Chase Vonn Book 6
RomanceChase Vonn couldn't remember anything other than the memory of a cold dark ocean enveloping him whole... the darkness and coldness suffocating him... Death is all he could feel and every night, his dreams never failed to make him remember that same...