She sat at the waiting lounge of the hospital habang naghihintay sa kapatid niya. Pasak pasak ang earphones sa tenga, pumikit siya at upang umidlip. This time, she let Vivaldi take over her dreams as she slept.
Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nakatulog. Nagising lamang siya sa isang marahang tapik sa bandang tuhod niya. Pagmulat niya, ang nakangiting mukha ng kapatid niya ang bumungad sa kanya. She smiled as she got up and gave him a tight hug.
"I missed you kuya!" Medyo napalakas na sigaw niya. Next thing she heard were loud gasps around her. Pagtingin niya, ang gulat na gulat na mukha ng mga nurses na nakatayo sa counter ang bumati sa kaniya. She frowned at them. "What's with the stares?" Ang nagtatakang tanong niya sa kuya niya ng humiwalay siya dito.
Kuya Cayden chuckled. "Don't mind them. Nagagandahan lang sila sa iyo kaya ganyan sila maka-react." Anito na ikina-ingos niya.
"Makabola ka kuya ha. Heto na nga't umuwi na ako oh." Biro niya.
Kinutusan siya nito na ikina-angil niya. "Dapat sinabihan mo ako na darating ka para nasundo kita."
She rolled her eyes at him. "Sinabihan? Eh sa iyo nga galing iyong mga tickets ko pauwi at pabalik ng New York eh tapos sasabihan mo ako niyan?"
"Malay ko ba na gagamitin mo."
"After sending me a note like that? Tingin mo kuya matitiis kita?"
Ginulo nito ang buhok niya. "That's why you're my most favorite sister in the world." Anito bago dinampot ang luggage niya.
"Anong most favorite? Eh ako lang naman ang nag-iisang kapatid mo."
"Kaya nga."
"Hindi ka pa ba uuwi?"
"Pagkatapos kong tignan iyong pasyente ko. Doon ka muna sa opisina ko habang naghihintay." Anito bago siya iginiya papunta sa elavator.
Pagpasok niya sa opisina nito, agad tumutok sa couch ang mga mata niya. Nagkalat kasi doon ang kumot at unan.
"Kuya, umuuwi ka pa ba? Bakit parang bahay mo na itong opisina mo?"
"Hm?" Tumutok ang mga mata nito sa couch. "Ah.. nakalimutan kong ayusin. Umidlip kasi ako kanina pagkatapos ng operation ko."
"Have you eaten yet?"
Isinukbit nito sa balikat ang stethoscope. "Mamaya na pagkatapos ko sa huling pasyente ko."
"Kanina pa iyang pasyente na iyan. You're even forgetting to eat kuya."
He sighed. "Ako ang attending physician ng pasyenteng iyon, Ayen. Dad assigned me to be his doctor. Aparrently, mas kampante si dad kung ako ang titingin sa kanya."
She frowned. "Is he the comatose guy that you were talking about noong tumawag ka sa akin? The one who's listening to my winning pieces?"
"Yup."
"And father was the one who admitted him here?"
"Apparently."
That kicked her curiosity. "At bakit? Does he personally know this guy?"
Kuya Cayden shrugged. "I don't know. Pero bata pa ang isang 'to. Seventeen? I don't think dad's the type to be acquainted with him."
"Exactly!"
"I don't know. Baka anak ng kakilala or something?"
Hindi na lamang siya umimik pa.
"O siya, puntahan ko muna siya. Dito ka na lang muna. I'll be right back." Iyon lang bago siya nito iniwan.
Umupo siya sa couch. She scrolled her phone for emails, txts and calls from school and Brooke. Sinagot niya ang mga iyon. She briefly visited her social media accounts before she tucked her phone in her pocket. She was never the type to get so addicted sa mga social media kaya hindi na niya pinagdiskitahan pa ang cellphone niya at ibinulsa iyon.
BINABASA MO ANG
Comrades in Action: Chase Vonn Book 6
Storie d'amoreChase Vonn couldn't remember anything other than the memory of a cold dark ocean enveloping him whole... the darkness and coldness suffocating him... Death is all he could feel and every night, his dreams never failed to make him remember that same...