"Pwede ba kitang ligawan?"
"Huh?"
Nabingi yata ako.
Bungol!
Tumawa ito sa kabilang linya.
"Pwede ba kitang ligawan"
"Ah....."
My promise pa naman ako kina mama. Na hindi ako magpapaligaw kapag minor pa ako. Graduating naman na ako sa highschool. But still, a minor.
Ahhhhhh! This is so frustrating. I want to be his girlfriend but I can't. Naiiyak ako.
"Raf, I'm sorry."
Naluluha ko na sabi.
"Basted agad ako?"
Tumawa ulit ito.
"Estudyante." Sabi ko.
"Oh, I get it. I'll wait for you"
"Eh?" Baliw ba siya? Gusto ko tuloy humagulhol at sabihing kami na. Oo, wala nang ligaw-ligaw. Kami na agad!
"Ganun kita kagusto Vivianne. Hindi mo ko pinayagan na ligawan ka. Pero liligawan kita. Hanggang sa pwede na. I'll treat you right. Wala muna tayo label, ok ba yun?"
"Si-sige." Masaya kong sabi.
Tuwing gabi ay nag-uusap kami ni Rafael. Minsan naman ay chat. Minsan sa school ay magkasama kami. Kapag kakain or kaya kapag nasa library. Pero hindi araw-araw. May ibang araw na sabay kaming pumapasok sa school pati na rin pauwi. Ganun kami ng ilang buwan. Walang label, pero parang kami. Masaya ako sa sitwasyon namin.
February ay nagstart na kaming magpractice for graduation. Nakaupo kami sa bleachers ng gymnasium nang lumapit sa amin si Kz. Schoolmate namin.
"Vivianne."
"Hmm?"
"Kayo ba ni Rafael?" Kinabahan agad ako sa tanong niya pero hindi ko pinahalata.
"No. Why?"
"Akala ko kayo. Buti na lang. Nakita ko kasi siya nung Saturday sa mall. Kasama si Charlotte, nagddate yata sila."
Nag-init bigla ang ulo ko. Pero agad rin akong kumalma at nginitian si Kz.
"Baka nagkasalubong lang. Tapos nagsabay na sila umuwi."
"Hmm. Pwede." Sang-ayon ni Kz. Umalis din naman ito kaagad.
Kinagabihan ay magkausap na naman kami ni Rafael. Through video call.