Chapter I

14 0 0
                                    

"Vivianne!"


"Oi Vi tawag ka ng crush mo. Ayieeee" tukso sakin ni Clarisse sabay tusok sa aking tagiliran. Agad ay lumayo ako nang bahagya sa kaibigan at nilingon ang tumatawag.


"R-rafael" shit! Nagstutter pa ko.


Humagikhik naman sa tabi ko si Clarisse.


Nakangiting lumapit si Rafael sakin.


"Naiwan mo sa room" sabay abot niya sa akin ng aking notebook.


Shit ulit! Sa likod pa naman ng notebook ko ay flinames ko ang pangalan naming dalawa. Ramdam kong namula ang aking pisngi. Nakayuko kong inabot ito sa kanya.


"T-thanks" pagpapasalamat ko rito nang nakayuko. Nakatingin lamang ako sa aking black shoes at sa medyas ko na kulay puti na madumi na dahil sa alikabok.


"Sige. Bye, ingat kayo pauwi. See you sa Monday."


Nakita ko sa gilid nang aking mga mata ang pag-alis neto.


"Wala na girl. Hanggang kailan ka yuyuko riyan." Inangat ko naman ang aking ulo pagkasabi nun ng aking kaibigan.


Inagaw ni Clarisse sakin ang notebook na iniabot ni Rafael saka niya tiningnan ang likuran na pahina neto.


"Packing tape Vi!!!" Sigaw ni Clarisse.


"Huh??" Naguguluhan ko siyang tiningnan.


"Look!" Inilapit niya sa mukha ko ang notebook kaya napaatras ako ng konti para makita ang nakasulat.


'I like you Vivianne'


Nakasulat siya sa baba ng pangalan naming dalawa ni Rafael na ni-flames ko.


Nanginginig kong kinuha ang notebook sa pagkakahawak ni Clarisse para tingnan na mabuti ang nakasulat.


"Oh my gosh girl! Your crush, crushes you back!" Sabay tawa nang malakas ni Clarisse.


"Ligawan mo na dali" dagdag pa neto.


Habang naglalakad kami pauwi ay hindi ko maiwasang ngumiti sa daan. Pinapagalitan na nga ako ni Clarisse dahil mukha raw akong baliw at napapahiya siya.


Kinagabihan habang nakikinig ako ng music sa aking kwarto ay biglang nagbeep ang aking cellphone.


Tiningnan ko ito at nakitang nagmessage si Rafael sa akin sa messenger.
Hindi ko alam ang gagawin kaya ilang minuto ko pa itong tinitigan. Baka sakaling nanaginip lamang ako, nang muli itong magbeep. Pikit-mata ko itong binuksan at huminga muna nang malalim bago ito binasa.


'Good evening Vi' with blushing emoji


'Kumain ka na ba?"


Shit! Nanginginig ang mga kamay ko na nagtipa ng irreply.


'Oo'


Lalagyan ko sana ng emoji pero pinigilan ko ang aking sarili dahil sa hiya.


'Matutulog ka na ba?'


'Later. Ikaw?


'Mamaya na rin. May iniisip lang' insert laughing emoji


'Ano naman yun. Baka babae yan haha'


Damn! Ba't mo tinanong Vivianne. Baka kung ano isipin niya.


'Hahaha, ikaw?'


Shit! Kalma Vi. Wag assuming. Hinga malalim.


'Baliw.'


'Joke lang hahaha'


Ayan binawi tuloy.


'Tulog ka na Vivianne. See you sa sunday.'


Eh, gusto pa kita kachat eh. Pero sige na nga. Makikita ko naman siya sa church sa sunday.


'Goodnight Rafael'


'Goodnight Vi' with heart emoji.


Heart? Anong ibig niyang sabihin dun?


Wait, wag nga mag-assume diba Vivianne Jade Cruz.


Gusto ko sanang itanong sakanya kung pinakialaman ba niya ang notebook ko pero dahil sa hiya ay hindi ko na ginawa.


Baka naman may ibang nakakita ng notebook ko at yun ang nagsulat ng ' I like you Vivianne' tapos binigay sa kanya.


Hayys.

First LOVEWhere stories live. Discover now