WATTPADER MEETS OTAKU
@krukrucrunch
:Errors ahead'Faster... Ymar...'
"Ugh... Y-Yamete kudasai..."
'He slid his finger on my----'
"Y-Yamete... S-Senpai..."
'Ipinasok---"
"Ugh...----"
"PUCHAAAA! HINAAN NIYO NGA 'YANG HENTAI NA PINAPANOOD NIYO!" Galit kong ani dahil binabasa ko ang bs nila Ymar at Czarina ngunit dahil sa ingay ng pinapanood ng mga loko ay hindi ako makapagconcentrate.
Tumingin lang sila saakin atsaka pinagpatuloy ang pinapanood kaya lumapit ako sakanila at inihampas sakanila ang librong hawak ko.
"Aray!"
"Argh! Yamete, Eve!"
"Iniistorbo mo kami!""ABA! Ako pa ang nangiistorbo? Nanahimik akong nagbabasa sa tabi, tapos kayo naman ay kulang nalang ay ispeaker niyo 'yang pinapanood niyo!" Gigil kong ani at maya-maya ay bumaling sila sa likuran ko.
"Is there a problem, Eve-chan?" Isang gwapong boses ang bumungad. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang nakangising mukha ni Marx.
Ang nagpalaganap ng hentai sa room namin.
Bigla akong natulala sakaniya. Tae. Shete. Bakit kasi mukhang pang fictional character ang mukha niya?
Yung matangos niyang ilong.
Yung parang umiigting ang panga.
Yung manipis niyang labi.
Yung adams apple niya---"Hey!" Aniya. He smirked suddenly.
"Pinagpapantasyahan moko, ano?" Aniya. Bigla akong napabalik sa realidad at bigla ko siyang sinamaan ng tingin. Naginit ang mga pisngi ko kaya nataranta ako.
"E-Excuse me? Sa fictional character lang ako magpapantasya..." ani ko at tinalikuran siya.
"Oh really?.." sambit niya ngunit hindi na ako sumagot at napakagat nalang ng labi.
"Hindi naman totoo 'yang fictional characters mo, ah" aniya kaya napaharap ako.
"Woooow! Nahiya naman ako sa mga anime characters na pinapanood mo! Hindi rin naman sila totoo, duh?" Ani ko at nagpameywang pa.
"May mukha at boses naman sila. They are cute and cool at the same time. Yung sa'yo? Iniimagine mo lang" nakangisi niyang ani kaya lalong uminit ang ulo ko.
"Atlease... may choice kami kung anong mukha ang iimagine namin! We have choices and also marami kaming natutuhan sa wattpad! Eh sainyo? Puro hentai!----"
"Hentai?" He chuckles. Tae. Ang gwapo na namaaaan.
"Sa tingin mo ba ay yun lang meron dun? May ecchi, romance, shounen, shoujo, mystery, magic, fantasy, supernatural, yaoi, yuri, action and etc. Now... sino ang maraming choice?" He said and smirked.
"Ah basta! Mga fictional characters pa rin ang gusto ko---"
"Ako? 'Di mo ba ako gusto?" Aniya kaya biglang naghiyawan ang buong klase.
"Uyyyy! Sana all!"
"Naks! Magkakajowa ka na, Eveee!"
"Naol gusto!"
"Sagutin mo na!"Nagiinit ang pisngi ko kaya napatingin ako kay Marx na nakangisi saakin.
Lumapit siya saakin kaya aabante na sana ako ngunit bumulong siya.
"Hindi mo ba ako gusto, Eve-chan? Kasi ako gusto kita..." aniya kaya nanlambot ang tuhod ko.
----