WATTPADER MEETS OTAKU ( Part 2)
@krukrucrunch
:Errors aheadIt's my birthday today at nasa library ako ngayon upang matahimik naman ang kaluluwa ko at ang pagbabasa ko dahil simula nang umamin si Marx ay naging center of attraction ako ng school.
"Advance ss sainyo!"
"Ss!"
"Lamporeber!"
"Jowa-jowa mamatay rin naman!"Just like duh? Di pa nga nanliligaw---
"OHAYO! EVE-CHAN~" biglang sumulpot si Marx sa gilid ko kaya napaauto-suntok ako sa mukha niya.
"Aww!" Aniya habang sapo ang kaniyang mukha kaya lumipat ako ng ibang Upuan at binuklat ang librong 'Mapapansin kaya?' Ni Jonaxx.
Maya-maya ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya lumipat ulit ako ng upuan.
"Kapag tumabi saakin 'tong lokong 'to, sasapatusin ko na 'to..." ani ko habang masama ang tingin ko kay Marx na nakatingin saakin habang nakapalumbaba.
"MS. MERCADEJAS! Pinagbabantaan mo ba ako?" Biglang sumulpot ang librarian na may naooffend na mukha kaya nagulat ako.
"P-po? H-Hindi po! Si Marx po 'yun----"
"---Sumama ka saakin sa guidance office, Ms. Mercadejas!" Aniya kaya wala ako nagawa kundi sumunod. Dumako ang paningin ko kay Marx na prenteng nakaupo kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Ngumisi lang siya saakin kaya lalong uminit ang ulo ko.
"Nakng! Lagot ka saaking otaku ka! Babalatan kita ng buhay!" Gigil kong bulong kay Marx.
"Another offense, Ms. Mercadejas!" Ani ng librarian kaya napapikit ako.
'Birthday na birthday ko sira ang araw koooo!'
----
Bagsak ang balikat ko na lumabas mula sa guidance dahil pinatawag pa ang parents ko dahil 'daw' sa pagbabanta ko sa librarian.
'Lagot ka saken, Mr. Hentai! Ihahampas ko sa'yo 'tong libro koooo---'
"EVE-CHAN!"
Speaking of.
"Langya kaaaang yawa kaaaaa-----"
"Gomenasai (I'm sorry), Eve-chan!"
Nagulat ako nang humarap ako kay Marx dahil bumungad saakin ang isang malaking cute na anime stuff toy na yakap-yakap ang isang buong series ng I Love You Since 1892.
"Happy Birthday, Eve-chan! I'm sorry if hindi kita agad napagtanggol sa guidance! Please accept my apology!" Aniya habang nakapikit at binibigay ang malaking stuff toy at libro.
"Yieeee!"
"Naks! My ship is sailing!"
"Naolism!"Alam kong namumula na ang buong mukha ko at kinikilig ako sa ginawa niya kaya magpapasalamat na ako nang dugtungan niya pa ang kaniyang sinabi...
"... Can you be my girlfriend, Eve-chan?"
------
💓