WATTPADER MEETS OTAKU (Part 3)
@krukrucrunch
:Errors ahead

"... Can you be my girlfriend, Eve-chan?"

Nanlaki ang aking mga mata at ang tangkang paghampas at pagpapasalamat ay naudlot.

Bumilis ang tibok ng puso ko at tila may nangingiliti sa tiyan ko. Nanatiling tulala at 'di alintana ang mga hiyawan sa paligid.

"Eve-chan? Nani wo shitemasuka? (What are you doing?)" Aniya kaya napakurap ako at naibalik ang katinuan ko sa sarili ko.

"S-Seryoso? Hindi ba parang ang bilis?" Ani ko ngunit biglang umepal ang isip ko.

'Sila Zeke at Aemie nga, kakakilala lang halos, nagpakasal agad' isip ko.

'Kasi nga kailangan ni Zeke na mapakasal agad' depensa ng kabila kong isip.

'Eh bakit sina Juanito at Carmela? Naging magjowa tsaka magfiancee kahit nagkita lang sila nung isang araw?' Depensa ng kabila.

'Malamang! Conservative sila nooon----'

"Eve-chan? Are you listening?" Tanong bigla ni Marx kaya napatingin ako sakaniya.

"A-Ano nga ulit sabi mo?" Tanong ko ngunit maya-maya ay ngumiti siya.

"Ang sabi ko walang mabilis o mabagal sa isang tao kung nagmamahal naman ng totoo" aniya kaya naghiyawan ang buong paligid. T-Teka? Bakit andaming audience?

"Yieeeee! Segeten mene kese"
"Naol mahal!"
"Magbebreak ren kayo puchaaa"
"Emeghed! Pengeng otaku diyaaan!"
"Itaas mo ang flag ng mga wattpader, Eve!"

Maya-maya ay lumapit siya saakin.

"I can't be the best boyfriend but..." lalo pa siyang lumapit saakin kaya medyo umabante ako. Baka makanakaw ng halik. Alam niyo naman mga readers hehe.

"...I can have a flowery and deep talks with you like Juanito, I can be sweeter than Deib Lohr and I can be your personal Lysander, Tyrone or Knight... I can be your real life wattpad character, just for you" aniya kaya nagtilian na naman ang buong paligid.

Nanaginip ba ako? Gisingin niyo na akoooo!

I can see on his eyes na sincere siya. Kaya sasagutin ko na siya.

Huminga ako ng malalim.

"Marx, S-Sinasago----"

"MARX-KUN!" Isang matinis na boses ang pumutol sa aking sasabihin. Tinulak ako at sumugod ng yakap kay Marx. Gulat na gulat sa babaeng dumating kaya siguro hindi agad nakagalaw si Marx. Kumalas ang babae at hinalikan sa pisngi si Marx kaya nagulantang ako.

"Thank goodness I've found you!" Aniya at pagkatapos ay tumingin saakin ang babae atsaka siya nagsmirk na tila nangiinsulto. Loko 'to ah.

"Konnichiwa! I'm Meira, Marx's future girlfriend" aniya habang nakaplaster ang plastik na ngiti sakaniya kaya nainis at uminit ang ulo ko.

"Who are you, by the way? And oh, i'm sorry if natulak kita, ha? Paharang-harang kasi" Pangtatrash talk niya.

Tumingin ako kay Marx na may let-me-explain-look kaya ginantihan ko siya ng masamang tingin with matching future-girlfriend-pala-look.

Kabisado ko 'tong eksenang ito sa wattpad at bilang wattpader dapat ay hindi ako nagpapatalo.

'Future girlfriend your ass'

"Oww, Future girlfriend? Bakit hindi nainform ang BOYFRIEND ko? May sariling panliligaw, sis?" Ani ko habang nakangiti na labas pa ang aking mapuputing ngipin.

"S-Sinasagot mo na ako, Eve-chan?" Tanong niya na may hindi makapaniwalang mukha.

"Oo ngaaaa!" Nakabusangot kong ani.

"YEEEEEES!" Aniya at yumakap saakin.

"Arigatou Gozaimasou (Thank you so much), Eve-chan! Aishiteru!(I love you)" aniya habang nagtatalon kaya ngumiti ako.

"I promise that I will give my best as your boyfriend and future husband!" Aniya kaya ngumiti ulit ako ng malaki.

"Congrats! Kuya Marx!" Biglang sabat ni Meira.

"K-Kuya?" Tanong ko at nataranta naman si Marx.

"Kapatid po niya ako hehe"

"MAAAAAAAAAAARX!"

-----

WATTPADER MEETS OTAKUWhere stories live. Discover now