WATTPADER MEETS OTAKU (Part 4)
@krukrucrunch
[Term : Weebs - A person who loves traditional type of anime
              Weeds- A type of drug]
:Basahin muna yung part 1-3, link on the last part

"Arigatou Gozaimasou!"

' Thank you siguro 'to'

"Eh? Daijobou (It's fine), sensei"

'A-ano daw? S-Sensei? Diba pang luto 'yun?'

Hindi ako halos makapagmultitasking sa panonood ng anime. Dahil una, 'di ko alam kung saan ako titingin! Kung sa sub ba o sa anime mismo. Ikalawa, kanina pa ako nabibwisit kay Marx dahil hindi man lang siya tumitingin saakin simula kanina.

Niyaya niya kasi akong manood ng anime, tutal freetime ko naman kaya pumayag na ako.

Nakaupo lang kami sa sofa at nanonood. Gusto ko pa namang magbasa ng wattpad.

"Eve..?" Bigla akong tinawag ni Marx. Ayan! Isa pa 'yan! Hindi na niya ako tinatawag na Eve-chan!

"Sabihin mo kung nabobored ka na, puwede namang patayin na natin 'tong pinapanood natin, Eve" aniya. Umiling lang ako at sumimangot sa isang tabi.

'Bakit wala na kasing Eve-chan?' Tanong ko. Namimiss ko na 'yung pagtawag niya sakin nun!

"Twit! Twit!" Biglang may nagmessage. Siguro ito yung tinanong ko kay Meira about kay Marx.

*New Message!
From: Meira💓 
       Weebs 'yang si Marx, ate.

Biglang nanlaki ang aking mga mata sa aking nabasa.

'W-Weebs? 'Di ba drugs 'yun?' Isip ko. Napatingin ako kay Marx na mukhang inosente na nageenjoy sa pinapanood.

'Pero wala naman sa mukha niya na nagwiweebs siya'

'Wala sa mukha 'yan! Nasa loob ang tunay na kulay, Eve!' Depensa ng isip ko.

'Sabagay! Mukha ngang nakahigh 'to kung minsan' pagsangayon ng isip ko.

Hala! Nagkajowa ako ng nagdudrugs! Mahal pa naman kitaaaaa----

"Eve? Are you okay?" Bigla akong tinanong ni Marx kaya napatalon ako bigla. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sheeeet!

"H-Ha? Oo naman!" Ani ko at pinilit na ngumiti. Yung ngiting natatae.

"You're lying, Eve. Tell me..." aniya with his bedroom voice. Myghaaaad. Pi-nause niya ang pinapanood namin at humarap siya saakin.

Maya-maya ay niyakap ko siya.

"M-Marx... Tanggap kita" ani ko habang tinatapik-tapik pa ang likod niya.

"H-Huh? Saan, Eve?" Naguguluhan niyang ani kaya bumuntong-hininga ako at ngumiti sakaniya.

"Kahit nagwiweebs o weeds ka tanggap na tanggap kita dahil mahal kita" ani ko kaya lalong kumunot ang noo niya.

"Teka... A-Anong sinasabi mo?" Aniya.

'Bakit pa kasi tumatanggi, Marx. Tsk'

"Ang sinasabi ko lang naman ay labag sa batas ang pagtatake ng weebs----"

"W-Weebs?--- B-BWAHA... BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA! HAHAHAHHAHAHA---*cough*--- HAHHAHAHAHA---argh!" Bigla siyang natigil sa pagtawa nang sikmuraan ko siya bigla.

'Loko talagaaaa'

"H'wag mo nga akong tawanan! Seryosong bagay 'to!" Ani ko habang sinasamaan ko siya ng tingin habang siya naman ay nagpupunas pa ng luha dahil sa katatawa.

"E-Eve... k-kasi n-naman---- BWAHAHAHAHAHAHAHA---aray! Opo! Eto na! Hindi naman po kasi drugs yung weebs! Sila yung mga taong addict sa tradition type of anime" aniya. Nanatili akong nakatanga sakaniya at tila inaabsorb ang sinabi niya.

Teka? H-Hindi drugs 'yun?

"Shete kaaa!" Sigaw ko sakaniya ngunit ngumiti lang siya.

"'Yun lang ba ang kinabubusangot mo kanina?" Tanong niya.

"Hindi mo na kasi ako tinatawag na Eve-chan" malungkot kong ani. Umusod  siya saakin at ginulo ang aking buhok.

"You're my girlfriend, Eve. That's why I cannot call you Eve-chan" aniya kaya napasimangot ako. Maya-maya ay nilapit niya ang mukha niya at hinalikan ako sa noo.

"Okay then. Eve-chan pa rin ang itatawag ko sa'yo! So smile now, Eve-chan!" Aniya kaya ngumiti ako

"Nood nalang tayo para sumaya ka" aniya kaya tumango na lamang ako. Inilipat niya ang anime at nakita kong 'Boku No Pico' ang title kaya umayos na ako ng upo.

A few Minutes later...

"BWISIT KA MAAAAAARX! HUMANDA KA SAKEN PATI KAPAG NAABUTAN KITAAAA! ALAM KONG NAGBABASA AKO NG PS PERO HINDI LIVE TAEEEEEE!"
------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WATTPADER MEETS OTAKUWhere stories live. Discover now