Megan POV
5 years later"Ms. Megan may sulat po para sayo!"
Sulat? Wala akong inaabangang sulat. Kanino naman galing iyon?
Dali-dali akong pumunta sa mailroom para kunin yung sulat.
"Oh Ma'am, kahapon pa ito dito. Kala ko kukunin mo na kahapon, pero hindi mo pa kinukuha kaya pinatawag na kita at maglilinis pa ako ng mail room."
"Ay hala sorry po kuya Pete, wala naman po kasi akong inaasahan na sulat na dadarating."
"Ayos lang, hala sige eto yung sulat. Mukhang mayaman yung nagbigay, mukhang mamahaln yung envelope eh. Belbet ba tawag doon?", takang mukha ang makikita sa kanya ngayon.
"Velvet po kuya. Anyways, maaming salamat po kuya Pete!" nginitian ko si Kuya Pete at dumiretso na sa opisina.
Isa na akong Chief Financial Officer dito sa Montereal Real Estate sa Vienna, Austria, mataas na ang pwesto ko kaya ganon na lang nila ako kung i-address. After kong maka-graduate 5 years ago, andami kong pinasukan na trabaho pero at last nakakita rin ako ng stable job dito sa Montereal.
I could say na i've grown a lot. Kung titignan yung past ko sobrang malaki na ang pinagbago ko and i'm a better woman now. Sa edad na 25, marami na akong mapagmamalaki.
I have a house in Vienna, Austria at doon currently nagstay sila mama at papa. May rest house din kami dito sa Tagaytay. Pero nakabase talaga ako sa Austria, sadyang nilipat lang ako ng management na dito muna ako Montereal Philippines for 3 months. Ako kasi ang nag-aassess ng stock growth and development ng team dito sa Philippines. Kakauwi ko lang 3 days ago, so wala pa akong isang linggo dito sa office.
Maganda na rin na nandito ako coz at the same time nakakapag vacation na rin ako. Nandito rin kasi sa Manila si Russco Mackenzie, my best friend, my suitor.
Yep, suitor for like 3 years na rin. Matagal na rin nung nakapag-bonding kami kaya why not?
Schoolmate ko siya noong college. Nagstart naman niya kong ligawan nung magkrus ang landas namin sa Montereal Estate, co-worker ko siya nung naka base pa ako sa Manila. Since kasi nung nagstart siyang ligawan ako, saktong inilipat ako sa Vienna para ako yung magmamanage ng team doon sa Austria branch.
And yes, consistent parin siya. Sa 3 years na iyon laging may fresh roses sa office desk ko sa Vienna, siya yung nagpapadala non.
Pero sinabihan ko na siya noong una pa lang na I can't guarantee my feelings but still he keeps on pursuing me. Kahit sobrang layo ko na sa Pilipinas.
I told him also na i'm not still ready for serious relationship. Kagagaling ko lang doon, he knew it and... I just don't want to talk about it right now. Past is past, focus tayo sa present.
Atsaka 'di ko pa pala siya nakikita simula nung dumating ako dito.
So eto na nga hawak ko na yung sophisticated envelope.
Hmm? Sino naman kaya ang magpapadala nito sa akin? Wala naman akong inaasahang sulat galing kanila mama or sakanila Ernestine? Kay Russ? imposible.
"Hey Ms. Perfectionist. How you doing?"
Dali-dali kong naitago yung sulat at hinarap kung sino man ang nagsalita.
"What the freak Russco! 'Wag kang manggugulat ng ganiyan!" Si Russ lang pala sht, 'di man lang kumatok!
Nginitian lang ako ng mokong. Lumapit siya sakin at naglapag ng isang boquet ng rose sa desk ko.
tsk. He never changed."Excuse me Sir. Mackenzie Diba may pinto?"
BINABASA MO ANG
Neá Árchí: Achilles Villanueva
RomanceAchilles Villanueva&Megan Silverio +stay safe and drink lots of water