Note:
-so sum1 just dm me abt nea archi, I'm shock sum1 just waste their time reading this shit lols. Anyways, going back, as wut I'm saying sum1 just dm me abt this story and he/she asked if I'll put sum u know, 'spg' scenes. I ask him/her wut do u mean by spg coz there's diff. types of wut u call spg. If spg sa violence, I think wala naman masyado. Tis not an action genre. If spg sa drugs or horror, ofc not. If spg sa language, THAT'S A BIG YES. You'll encounter bunch of megan's cussing-machine-mouth and achi's oh-so-dirty-mind, so yeah. If u mean spg in sexual hype, I guess ang maiisagot ko ay 'kinda'. I mean, from achi's dirty mouth siguro pahapyaw iyon. Pero mismong sexual scenes? No No NO. they'll do it pero hinde ko i-eelaborate. I'm not an erotic writer u know, not my expertise lmao. But salute to those writers who's into erotica. U such a legend. -moleculari_vee
Megan's POV
"ASHTON?"
"Yours truly." Isang kindat ang ginawad nito sa'kin.
Ashton Aquino, isa sa pinakasikat na ramp model from Milan. He basically rocks every outfit he wears that made women around him scream for adoration.
Siya rin ang dahilan kaya napilitan akong matulog dito sa office kaysa sa condo unit ko! Dapat sinabi na niya na hindi pala siya ang may-ari ng Golden Heel para matagal na akong umalis sa condo na iyon!
Nagbabayad rin ako monthly para sa maintenance no'n! Sayang iyong pera ko! Nakakainis!
"O bakit gan'yan tingin mo sa akin? Parang pinapatay mo na ako sa isipan mo." Natatawa niyang banggit habang kinakamot ang kaniyang batok.
"Tse! Alam mo, kung hindi ko lang alam ang pinagkaiba ng work at personal matters baka kanina pa kita kinaladkad palabas dito sa elevator. Naiinis ako sa'yo lumayo-layo ka sa'kin habang may pasensiya pang natitira sa katawan ko." Inirapan ko siya at tinalikuran.
"Galit ka dahil do'n? Mabuti talaga at nag-iwan ako ng mga mata sa Golden Heel. Updated pa rin tuloy ako sa mga nangyayari do'n." nginitian ko lang siya ng peke at 'di na pinansin ang pinagsasabi niya.
Andami ng alam ng lalaking 'to. Ang kailangan ditto ay patumbahin!
"Sus! Galit ka na n'yan? E totoo namang ako 'yong may hawak ng Golden Heel that time e." usal niya.
That time? Anong ibigsabihin netong lalaking 'to?
Napaharap ako sakaniya dahil sa interesanteng sinabi niya.
"'that time'? What do you mean by that?" taka kong tanong.
"Yep, that time. Binenta ko na kasi shares ko sa kaibigan ko. Tinatamad na kasi ako maghawak nung condominium na iyon. You know, busy ako sa pagiging ramp model. Indemand kaya itong kausap mo." Pagmamalaki niya.
Binenta na niya 'yung shares niya sa kaibigan niya? So, for sure si Achilles iyon.
"Kaibigan mo ba si Achilles Villanueva?" curiosity is killing me.
Saktong-sakto ng biglang bumukas na ang elevator at kailan na naming lumabas.
"I'm sorry Ms. Silverio pero nandito na tayo, need to act professional." Kasabay nito ang pag-ngisi niya sa akin at diretsong lumabas ng elevator at pumasok sa conference room.
Antipatiko! Nakakainis!
Wala na akong nagawa pa kung hindi sumunod papunta sa conference room. Baka late na ako, lalo't sabi ni Russco urgent meeting daw ito.
BINABASA MO ANG
Neá Árchí: Achilles Villanueva
RomanceAchilles Villanueva&Megan Silverio +stay safe and drink lots of water