Araw at Ulan

40 0 0
                                    


Patak ng asul at sikat ng dilaw
Lamig ng ulan, init ng araw
Sinag ng saya at agos ng lungkot
Bagyo o bughaw alin ang babalot?

Pagsabayin ang lumbay pati tuwa
Magluto ng iyak samahan ng tawa
El niño at El niña pinagsama'y sakit
Bagyo ang kinalabasan animo'y bakit?

Ngunit kung paghaluin ulan at araw
Magpinta ng ulap ilublob sa dilaw
Tubig at alab nagpalaki sa halaman
Bughaw kinalabasan animo'y hagdan

Kung ikaw nga ba ang papapiliin
Magiging pintor o isang manluluto?
Kung ikaw nga ba ang papapiliin
Magiging bughaw o isang bagyo?

t u l a Where stories live. Discover now