Tagpuan

28 0 0
                                    


Sa palay naglalakad, biglaang tumakbo
Kahit pagmamahalan ay napakalabo
Gagawa pa rin ng mga paraan
Ng sa huli tayo'y nagmamahalan

Sinagi mga bato, alikabok sa daan
Kahit mahirap, ikaw lamang ay madatnan
Napapangiti kahit na malayo pa
Pero ganun talaga kapag nagmahal hindi ba?

Tinawid, tubig na rumaragasa sa ilog
Iba talaga epekto mo at ako'y nahulog
Hindi nagsisisi sa aking naging desisyon
Ikaw ang mahalin, yan aking misyon

Hinihingal ng kaunti sa pagod ngunit
Kung para makita ka, ok lang, kapit.
Naaninag na ating munting tagpuan
Tibok ng puso bumilis, nakita ka sa upuan

Unti-unting naglakad papunta sa iyo
Labis ang tuwa nang makita ka ginoo
Nagkayakap ng mahigpit at matagal
Isinulat ang storya sa tagpuang mahal

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

t u l a Where stories live. Discover now