Kabanata 5

38.4K 1.3K 164
                                    

Kabanata 5

Ramdam ko ang pananakit ng aking likod habang sinasaraduhan ko ang pinto ng bahay namin. Hindi na ako nagulat noong marinig ko ang boses ni Mama sa may likuran ko.

Inihanda ko agad ang aking malawak na ngiti bago ako humarap sa kaniya. Masayang lumapit ako sa aking Mama at pagkatapos ay nagmano agad ako.

"Anak, kamusta ang trabaho mo?" pangangamusta niya sa akin.

Ngumiti ako ng sobrang lawak upang mapagaan ang nararamdaman ko. Ayokong makita ni Mama na nahihirapan na ako sa aking trabaho. Hanggat maaari ay gusto kong makita niya akong malakas at hindi sumusuko.

"Ayos lang naman po, Mama. Nakakapagod pero sulit naman kasi ito yung pangarap ko. Kahit na mapagod ako atleast narating ko yung pangarap ko na maging Psychiatric nurse." may sigla ang boses na sabi ko.

Nakita ko siyang ngumiti sa akin ng sobrang lawak. Hinawakan niya ang aking braso at pagkatapos ay hinaplos niya iyon.

"Natutuwa ako na na-achieve mo yung pangarap mo. Sobrang proud ako sayo, Anak." Madamdamin na sabi niya sa akin.

Napansin ko ang pagpatak ng luha sa kaniyang mata ngunit alam kong kasiyahan ang dahilan noon. Masayang pinunasan ko ang luha niya.

"Salamat po, Mama. Alam mo naman na ikaw ang inspirasyon ko upang makamit ko ang pangarap ko diba? Pati si Daddy, isa din siya sa inspirasyon ko." mahinang sabi ko.

Naging mahirap ang buhay namin. Si Mama ay isang guro dati sa elementarya at ngayon ay retiro na siya dahil sa katandaan. Noong panahong napasok pa ako ng kolehiyo ay lagi kaming nagigipit dahil kulang parin ang sahod ni Mama upang pag-aralin ako sa Unibersidad ng Pilipinas. Gusto ko man na hindi doon mag-aral upang makatipid pero ayaw ni Mama dahil isa sa ipinangako niya kay Daddy ay ang pag-aralin ako sa UP.

Naging mahirap ang buhay namin dahil nagigipit din kami pero nairaos naman namin ni Mama ang pag-aaral ko. Siya talaga ang naging inspirasyon ko upang makamit ko ang pangarap ko.

"Alam kong ginagabayan ka ng daddy mo, Anak." mahinang sabi ni Mama sa akin.

Tumango ako at pagkatapos ay mas lalong lumawak ang ngiti ko. Tama si Mama. Alam kong ginagabayan niya kaming dalawa ni Mama.

"Alam ko po. Malakas siya kay Lord kaya nararating ko na ang mga pangarap ko." masayang sabi ko.

"Isa na lang ang pangarap kong hindi natutupad." sambit ko.

Nawala ang ngiti ko noong maalala ko ang isang pangarap na gustong-gusto kong matupad. Siguro matatagalan pa...

"Darating din ang panahon at mangyayari ang pinapangarap nating dalawa, Anak." pagbibigay sa akin ni Mama ng pag-asa.

"Nararamdaman kong malapit na nating matupad ang pangarap natin, Mama. Mag-iipon lang po ako, tapos uumpisahan ko ng simulan ang pangarap natin." muli akong ngumiti dahil gumaan ulit ang pakiramdam ko.

Mag-iipon muna ako tapos tsaka ko na sisimulan ang dapat kong gawin.

"Oo nga pala, Anak. Nakakain ka na ba?" biglang tanong sa akin ni Mama.

Marahan akong umiling at pagkatapos ay inakbayan ko siya. Niyakag ko siya papunta sa kusina.

"Mama, Alam mo naman na hindi ko po pinapalampas ang luto mo." pambobola ko sa kaniya.

Sobrang sarap kasi niyang magluto pero hindi ko naman namana iyon dahil wala akong talento sa pagluluto. Ang kaya ko lang lutuin ay sinaing at pritong ulam pero minsan ay nasusunog pa.

"Oo. Sarap na sarap ka kasi sa mga niluluto ko. Kahit pancit canton sarap na sarap ka pero pag-iba na ang nagluto, ayaw mo." Napanguso ako sa sinabi niya.

King Hyron's BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon