Kabanata 14

34.9K 1.1K 245
                                    

Kabanata 14


"It smells so good. What did you cook?" Rinig kong sabi niya kaya napatingin ako sa pinanggalingan ng boses niya.

Nakita ko ang nakangiting si King Hyron habang kinokontrol ang awtomatikong wheelchair niya. Hindi ko na siya kailangan pang itulak dahil may joystick ang wheelchair niya para makaandar ito.

"Nagluto ako ng pansit bihon. Saglit lang! Maghahain lang ako." nakangiti na sabi ko habang iniiwas ko ang tingin sa kaniya para harapin ang niluluto ko.

"Siguraduhin mong masarap ha?" bilin niya sa akin.

Natatawang napairap ako sa kaniyang sinabi. Kahit talaga kailan wala siyang bilib sa akin.

"Nag-aral na akong magluto! Nagpaturo ako kay Mama." May pagmamalaki na sabi ko at kasunod noon ay pinatay ko na ang lutuan dahil napansin kong luto na ito.

"Pag hindi masarap ang niluto mo---" sabi niya ngunit agad ko siyang pinigilan sa pagsasalita.

Nakangisi na tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kaniya.

Inilagay niya ang kaniyang hintuturo sa kaniyang baba at pagkatapos ay umakto siya na tila nag-iisip. Mas napangiti ako nang malawak dahil sobrang gwapo niya parin kahit ginagawa niya ito.

"Iluluwa ko." biglang sagot niya kaya napalabi ako.

Iluluwa daw. Tumatawa na umiling ako. Tinalikuran ko siya upang kumuha ng dalawang pinggan sa dishwasher. Naglagay ako ng pansit sa pinggan. Noong matapos akong mag-serve sa lamesa ay lumapit na din siya sa akin. Hindi na siya nagpatulong pang magpalipat sa upuan dahil komportable na daw siya sa wheelchair niya.

"Tiisin mo na lang! Pag sobrang alat, lagyan mo na lang ng kanin. Ihalo mo na lang tapos pagwala namang lasa, edi lagyan mo ng toyo o kaya patis." pagsasabi ko ng option sa kaniya.

Kumuha muna ako ng kutsara at tinidor at tsaka ko ito ibinigay sa kaniya.

"Marunong ka na talagang magluto?" naninigurado niyang tanong sa akin.

Tumango ako nang mabilis at pagkatapos ay umupo na agad ako. Napansin kong isinubo na niya ang pansit na niluto ko.

"Pansit palang ang alam kong lutuin." Pagbibigay ko sa kaniya ng clue. Baka kasi paglutuin niya ako ng ibang putahe.

Pansit palang naman ang alam ko. Mabuti na malaman agad niya.

"Edi pwede ka ng mag-asawa?" tanong niya at kasunod noon ay sumubo na ulit siya ng pansit.

Nakita kong tumatango pa siya habang kinakain ito. Umiling ako sa kaniya at ngumisi. Asawa agad? Kung papayag ba siya, why not? Charot.

"Paano ako makakapag-asawa? Wala pa naman akong boyfriend." nakanguso na sabi ko.

Napansin kong natigilan siya sa pagkain. Nakuha ko ang atensyon niya kaya napatitig siya sa akin. Nginisian ko lang siya at hinintay ko siyang magsalita. Kung bakit ba naman siya manhid.

"Wala ngang nanliligaw sa akin, miski isa?" Nakanguso kong sabi.

Hinawakan niya ang kamay ko at pagkatapos ay naramdaman ko na pinisil niya ito nang marahan.

Napatingin ako doon sa kamay niyang nakahawak sa akin. Tingnan mo ang lalaking ito! Ang galing lumandi sa akin pero hindi naman pinapanindigan.

"Imposibleng sa ganda mong iyan ay walang nanliligaw sayo." Sabi niya sa akin at kasunod noon ay kinindatan niya ako.

King Hyron's BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon