Kabanata 18

33.7K 1.1K 239
                                    

Author's Note:

Inuulit ko po....Gusto ko lang pong linawin na ang mga opinyon ng aking karakter sa mga story ay 'hindi ko po opinyon'. Ang mga opinyon, paniniwala at ugali nila ay ibat-iba, at ang mga iyon ay nakikita ko at na-obserbahan sa aking paligid. Binigyan ko ng buhay ang mga karakter ko, para rin silang tao, may iba ibang paniniwala at opinyon na pwedeng magustuhan o hindi magustuhan ng ibang tao.

Respeto na lang po sa mga opinyon ng bawat isa. Kung may nabasa man pong hindi nagustuhan, patawad ngunit isinulat ko lang po ang nakita at na-obserbahan ko sa paligid, hindi po para manira sa iba.

Eye opener lang po ito na ang mga tao ay may ibat-ibang paniniwala at opinyon sa buhay.

Ang pinaka-mahalaga sa lahat tuwing nagbabasa ng mga libro— respeto sa isa't isa, open minded sa mga bagay bagay, at ang malawak na pang-unawa.


Kabanata 18

"Nagluto ako ng spaghetti, Hyron. Gusto mo na bang kumain?" tanong ko kay Hyron habang isinasalin ko ang spaghetti sa isang pinggan na malaki.

Pumihit ako para harapin si King Hyron na ngayon ay nakahalumbaba na naman sa lamesa habang tinitingnan ako.

"Really? Whose birthday is today?" tanong niya sa akin. Ang kaniyang mga kilay ay salubong na at nagtataka siyang nakatingin sa akin.

"Walang may birthday. Nagluto lang ako kasi tinuruan ako ni Mama kagabi na magluto nito." Wika ko at pagkatapos ay ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa.

Kinuha ko ang plato na naglalaman ng spaghetti at naglakad agad ako palapit sa lamesa. Ipinatong ko sa lamesa ang plato na dala ko habang umuupo ako sa tabi niya.

"Wow! Pwede ka na talagang mag-asawa." biro niya na ikina-irap ko.

Paano ako mag-aasawa kung pabebe siya?

"Hahanap muna kasi ako ng boyfriend." Pagpaparinig na sabi ko habang nilalagyan ko ng spaghetti ang isang platito.

"Gusto mo bang..." sabi niya ngunit naging matagal ang pag-dudugtong niya sa sasabihin niya kaya naman ako na lang ang nagpatuloy nito.

"Ikaw na lang?" Maharot kong sagot habang tinitingnan siya. May nakapaskil na ngisi sa aking labi.

Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata niya na tila ba gulat na gulat sa sinabi ko.

"What?" namimilog ang mga mata na sabi niya.

Tumawa ako nang malakas at pagkatapos ay umiling ako.

"I mean, ikaw naman... gusto mo bang lagyan ko ng cheese ang ibabaw ng spaghetti mo?" nakangisi kong sabi sa kaniya habang umiiling.

Narinig ko siyang tumikhim kaya mas lalo akong napatawa. Bakit parang awkward siya? Arte ha? Ako na nga iyong nagsasabi lagi ng banat pero ayaw niya pang sakyan.

"Yes. Do it, please." sagot niya sa akin kaya nilagyan ko agad ng cheese ang kaniyang spaghetti.

Muli kong ibinalik sa kaniya ang spaghetti niya at pagkatapos ay kinindatan ko siya. Napansin ko ang paggalaw ng adams apple niya kaya mas lalo akong natuwa.

"Here. Tikman mo na tapos sabihin mo ulit kung anong lasa? Kung tama ba o dadagdagan ko pa ang pagmamahal ko sayo este ang sauce na pampalasa." Wika ko sa kaniya.

Napatawa ako noong matapos ko itong sabihin sa kaniya. Kunwari na pa mali ako ng sabi pero sa totoo lang ay sinadya ko talaga iyon. Hindi naman sa nilalandi ko siya pero parang ganoon na nga.

King Hyron's BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon