Episode 4

3 0 0
                                    


"Taxi ! ... Taxi !"

Dali-dali akong sumakay ng taxi, sobrang kaba yung nararamdaman ko ngayon. Parang lalabas na ata yung heart ko 😵

"Kuya sa Chateau Elysee, Eiffel Tower huh"

"Sige po Ma'am." Si kuya taxi driver

"Ang tanga- tanga naman kasi, ikaw yung matino ikaw na sana ang umiwas Savanna. Napaka- eng eng mo kahit kelan. Grrr"

Nasa isip ko lang po yun pero sinasampal ko po at sinasabunutan yung sarili ko. Kasi naman eii.

"Ma'am wag niyo pong gawin yan. Malalampasan niyo din kung ano man yang pinagdadaanan niyo"

Kuyang driver close tayo??

"Kuya, libre ba yung pamasahe ko? Kasi kung libre, edi kwentuhan muna tayo tungkol sa buhay ko na hindi niyo naman dapat pinapakialaman."

Haaays.

"Sorry po Ma'am."

" Biro lang Kuya, maliit na problema lang to. Kaya ko po to"

Maliit na problema? Jusko! We'll nakipag sex lang naman ako sa boss kong lasing na hindi ko alam kung nakilala niya ba ako? Kung anong gagawin niya na may nangyari saamin? Maaalala niya kaya?
Nakakabaliw!!!

"Kuya dito nalang po. Keep the change nalang po. Salamat!"

Bumaba ako sa tapat ng coffee shop, bibili muna ako ng pabiritong kape ni Ate. Sigarado nag-aabang na yun sa pintuan at sasapukin ng bunganga niya.

Papasok na'ko ng pinto, pero walang ate naka dekwatro sa sala at nanlilisik ang mata.
Asan na yun? Nasa trabaho na siguro.

"Uuwi ka pa pala !? "

"Ayyy! Unggoy!"

Nasa kusina pala siya at nag-aayos ng drainage sa ilalim ng cabinet.

"Ate, 26 na'ko. I'm at the super legal age para kelangan pang magpaalam kung uuwi ako o hindi"

Inirapan niya ako.

"I know Savanna, and I don't care if you crash your fallopian tube out there. Atleast call if wala kang planong umuwi. Paano pag tumawag si Mama at Papa at hinanap ka. Kilala mo naman yun, lilipad yun dito galing Cebu pag hindi narinig ang boses mo"

Infairness, may paki din pala tong ate ko saakin. By the way, paano ko sasabihin na nagpavirgin ako sa lasing kong boss kaya hindi ako nakauwi. Baka patayin ako nito.

"Yes Ate. Sorry na. By the way, may goodnews ako sayo. Hihi isa ako sa napili for the reassignment in Paris!!"

At biglang lumapad yung ngiti ni Ate at niyakap ako. Simula kasi nung bata palang kami pangarap nanamin na pumunta ng Paris.

"Really? Doon na tayo titira?"

"Tira agad Ate? Syempre I have to go there as an employee but if siguro pag maganda yung performance ko baka ipermanent ako doon, then I'll apply for citizenship para madala ko kayo nila mama at papa doon"

Wow! Nagconclude ka agad te? Di mo pa nga alam kung matutuloy pa yun ei. Gusto mo ulitin ko pa "Nakipagsex ka sa boss mo"

"Thanks Sissy. Do you have work? It's already 10. Super late kana!"

Sa totoo lang, ayokong pumasok ngayon. No. Ayoko talaga pumasok at makita siya.

"Nagleave ako ng 6 days Ate"

"Talaga? Hindi ka ata gahaman ngayon sa pera at nagfile ka ng leave. Is there something wrong?"

"Huh? Wala naman. I just need to celebrate? Yeah. Yun and I want fresh air "

"So uuwi ka ng Cebu?"

Naku. Kelangan ko pa pala ng approval bago mag leave. Hmm tatawagan ko nalang si Cathy.

"Try ko ate. Sige. Pasok na'ko sa room ko"

Hindi ko na hininray ang sagot ni Ate. At dali-daling pumasok sa kwarto ko. Tatawagan ko nalang si Cathy baka she can file the leave for me. Bahala na.

*Dialed Cathy's Number

Ringing.....

"Hoy! Bruha ! Nasaan ka? Maglulunch break na. Wala kapa!" Cathy

"Beshie, I'm not going to work today. I have a big big problem."

Sasabihin ko ba?

"How big is that problem ba? Maybe I can help?"

"No kasi ano ... ano ... may chicken fox ako. Yun kasi"

Isa kang Henyo Savanna. Huhaha

"Yuuuuck! Talagang wag kang papasok dito. Mahawaan mo pa lahat ng tao dito sa opisina ei"

"Kaya nga ei. I have a favor sana. Can you file me a leave? Kasi aabutin to ng ilang araw para gumaling ei"

Best actress ka ghurl?

"Yeah. I'll talk to the HR nalang. Anu ba yan! Kung kelangan mong magpa impress sa reassignment mo, doon ka pa nagkasakit. Kawawa ka naman Beshie. Sige na. Get well. I'll update you later "

Buti nalang maasahan tong frenny ko.

"Geezz. Thank you so much! Labyuuu "

Hang up.

Nahiga ako. Ikakalma ko muna ang sarili ko sa kahihiyang ginawa ko.
* * *

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Paris RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon