One Sided

12 0 0
                                    

Isa sa pinaka masakit na pag mamahal ay One Sided Love.

Ikaw lang ang nag mamahal.
Ikaw ang nag bibigay.
Walang  kasiguraduhan kung mamahalin ka ba niya.

Ang hirap ipag siksikan ang sarili mo sa taong ayaw sayo.
Ikaw na tong lumalapit sya naman itong lumalayo.

Mahirap kumapit kung wala ka namang kakapitan.

Mas masakit umaasa na makikita ka niya kung lagi syang nag hahanap sa kawalan.

Kung palagi syang nag ba baka sakali na mahal din sya ng taong mahal nya.

Na hindi nya alam na nandito
ka lang umaasang makita at maramdaman nya.

Na kahit anung  lapit mo kay layo nya naman.

Ang sakit lang mag hintay kung sa una pa lang alam mo na hindi kayo para sa isa't isa.

Na kahit anung antay mo pumuti man ang mata mo. Hindi sya lalapit syo para suklian ang pag mamahal mo.

Paano mo masasabing mahal mo sya kung palagi syang nakatingin sa iba.

Na hindi mo na alam kung bakit pinag sisik sikan mo pa ang sarili mo sa kanya.

Gayung ang alam mo lang ay nahulog ka nasa kanya, Na Mahal mo na sya.

At sa pag mamahal mo na ito.
Sa una palang. Alam mo na kung saan mapupunta ang nararamdam mo para sa kanya.

Pero pinili mo sya, kaya pinili mo nalang rin ang masaktan.

At sa huli, pipiliin mo na lang rin ang sulyapan sya sa malayo at maging masaya sa taong mag papasaya sa kanya.

Unknown FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon