Kalungkutan

8 0 0
                                    

Takot

Dyan mag sisimula ang aking kwento.

Kalungkutan ang nag silbing karamay ko sa mga sandaling iniwan, sinaktan at pinag kaisahan ako ng mundo.

Dahil sa kalungkutan natuto akong matakot. Matakot sa mga bagay na mag babalik sa akin sa panahong ako'y nag iisa.

Takot umibig.
Takot na sumugal at masaktan.
Takot maiwan.
Takot sa mga bagay na alam ko sa bandang dulo ako na naman ang talo.

Nakakatakot mag mahal,ang hirap sumugal. Kung kailan ka na nahulog dun ka bibitawan.

Yung mapapa-isip ka nalang na hindi siguro ako karapat dapat mahalin.

Nasa tuwing iniisip mo,
Mapa patanung ka nalang, ako ba ang mali?
Ako ba ang may diperensya?
o sadyang di ko lang pinag tuunan ng pansin?

Na naging sakim ba ako o laging takot ang inuuna ko?

Ayaw sumugal.
Ayaw masaktan uli.
Ayaw sumaya o sadyang di pa ako handa.

Sa dami ng iniisip mo di mo na alam gulong gulo ka na.

Mali man, Isipin man ng nakakarami na sarili ko lang ang iniisip ko.
Ngunit ako ba'y masisi kung sa tuwing ako'y nag kakalakas ng loob na humiwalay sa takot. Doon naman ako iiwanan ng taong nag paramdam sa akin sa sandaling panahon na maging payapa, maging masaya at di nag iisa.

Na hindi ko naisip na maraming tao pala ang gusto kaming pag hiwalayin  ng kalungkutan.

Na maraming gustong tumulong upang makita ang dating ningning sa aking mata at aking tunay na ngiti, Na pinagkait ko sa mahabang panahon para ipaalam na matatag ako, na kaya ko ang lahat.

Na masaya ako kahit sa kaloob looban ko kinakaiin na ako ng kalungkutan.

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unknown FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon