"Lola, i-kuwento mo na saamin dali dali!" Makulit na sabi ng apo sakaniyang lola na nakaupo sa sofa. Pinalilibutan siya ng kaniyang tatlong apo, si Athena na napakataba, si Jason na bungi pa ang mga ipin at ang huli ay si Allison, ang pinakatahimik sa lahat ngunit nasa mata ang paghihintay.
Ngumiti ang matanda sa inasta ng kaniyang mga apo, tila mga sabik na sabik itong marinig muli ang kaniyang kuwentong ilang ulit na din naman niyang nasabi.
"Sige na, maupo na kayo at hintayin nalang nating umuwi ang inyong lolo. Habang wala pa siya ay uumpisahan ko na ulit ang kuwento ni Keira" Nagtatalon ang kaniyang mga apo sa tuwa at nanahimik ng sitahin sila ng kanilang lola. Tila natakot na baka hindi na sila kuwentuhan pa muli nito. Tumikhim na ang matanda bago umpisahan ang kuwento.
--
Sa ilalim ng karagatan, may isang gintong palasyo na pinamumunuan ni Triton, ang anak ni Poseidon. Si Triton ang namamahala sa lahat ng pangyayari sa karagatan, siya ang sumunod sa kaniyang ama na siyang pinakamalakas sa lahat, ang buo niyang katawan ay ginto, ngunit hindi maikakaila ang kaniyang gwapong kaanyuan. Pinamumunuan at inaalagaan niya ang kaayusan ng karagatan at lahat ng sasaway sakaniya ay tiyak na paparusahan niya. Totoong may mga sirena at sireno, ngunit hindi katulad sa mga palabas ay sila ay may panget na kaanyuan. Ang kanilang mga buntot ay katulad ng sa isda, ngunit ang kanilang mga itsura ay parang mga bungo. Manipis at tuyong buhok, magagaspang na balat at mga mukhang hindi kaaya-aya. Sila ang mga totoong nakatira sa ilalim ng karagatan upang pagsilbihan si Triton.
Isang araw habang naglalakbay ang ilang mga kawal sa pinakailalim at gitna ng karagatan, nakita nila ang isang sanggol na sirena. Isang batang basta nalang lumitaw upang siyang ikasal sa kanilang hari na si Triton. Napakaganda nito, pinaniniwalaang inalay ito ng mga dyosa para sakanilang hari. Dinala kaagad nila ito sa palasyo at doon ay inalagaan hanggang sa dumating ang tamang araw upang siya ay ikasal sa hari,dahil sa taglay na kagandahan ay pinangalanan nila itong Keira. Lumaking mabait at masiyahin si Keira hanggang sa siya ay mag-dalaga. Siya ay may kumikinang na balat, ang kaniyang mga itim na itim na mata ay tila nakakalunod kapag tinitigan, napakaganda niya na kahit sino ay mahuhulog.
Noon pa lamang ay gusto na ni Keira na pumunta sa itaas, gusto niyang malaman ang mga kuwento kuwento kung ano nga ba ang nasa itaas ng karagatang tinitirhan niya. Pinagbabawalan kasi siya ni Triton, ang sabi nito ay wag na wag siyang lalangoy pataas dahil sa oras na mangyari ito ay mamatay siya. Ngunit matigas ang ulo ni Keira, gusto niya malaman kung ano nga bang meron doon kung kaya ay sinunod niya ang bugso ng kaniyang damdamin.
Lumangoy siya papaitaas at doon niya nakita ang ganda ng kalangitang noon ay sa ilalim lang niya tinatanaw. Bilog na bilog ang buwan at nakakasilaw ang mga mumunting mga bituing nakakalat sa kalangitan. Pumunta siya sa bato upang sumampa. Nilalanghap ang sariwang hangin at ninanamnam ang ganda ng paligid. Ngunit kaagad siyang napalusong ng may marinig siyang ingay. Napatingin siya doon at nakita niya ang isang lalaking tinapon sa karagatan. Nang makaalis ang mga kalalakihan ay saka niya pinuntahan ang lalaking nakalutang. Hinawakan niya ito at doon niyang napag-alamanang patay na ito. Kaagad niya itong dinala sa malaking bato at doon ay pinakatitigan. Kakaiba ang kagwapuhan ng lalaki, tila ngayon lang siya nakakita ng ganitong ka-gwapo at hindi siya inutil upang hindi malamang isa itong tao. Kaagad nahulog si Keira sa binata.
Hinawakan ni Keira ang puso nito at hindi na ito tumitibok. Kaya ginawa niya ang isa sa mga bagay na alam niyang pagsisisihan niya sa huli. Hinalikan niya ang labi ng binata upang bigyan itong muli ng buhay. Napaubo ang binata at nagmulat ng mga mata. Doon ay nasilayan ng sirena ang mga asul na mata ng binata na siyang lumulunod sakaniya. Tinitigan niya ang mata ng binata upang sabihin doon kung anong nangyari.
Simula noon ay palagi na silang nagkikita sa dalampasigan. Dinadalhan siya ng binata ng kung ano-anong mga bagay upang ituro sa kaniya kung ano ang mga iyon. Hanggang sa tuluyan ng nahulog ang loob nila sa isa't-isa. Gusto ng sirenang magkatuluyan sila ngunit humahadlang ang kaniyang mga buntot.
"Mahal na mahal kita Alfredo, at gagawin ko ang lahat upang magkatuluyan tayo" Sabi ni Keira sa natutulog na Alfredo. Tinitigan niya ito bago siya lumusong sa dagat. Buo na ang kaniyang desisyon. Kukunin niya ang isa sa mga gamot na tinatago ni Triton. Gamot kung saan makakatulong sakaniya upang mawala ang kaniyang mga buntot. Saktong wala si Triton dahil umalis ito upang makipagkita sa mga diyosa at diyos. Hindi naging madali ang pagkuha niya sa gamot pero sa huli ay nagtagumpay siya. Kaagad niya itong ininom at labis ang kaniyang tuwa ng nawala ang kaniyang mga buntot.
"Keira?" Napatingin siya kay Alfredo na gulat na gulat pero kalaunan ay lumabas ang saya. Kaagad silang nagpakasal at tumira sa maliit na tirahan ngunit puno ng saya. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan.
October 31
Araw na ng kapanganakan ni Keira, Asul ang buwan at sobrang tahimik ng paghampas ng alon. Pagkalabas ng sanggol ay siyang sumira ng nakakabinging katahimikan. Pinangalanan nila itong Serephidra. Napakagandang sanggol. Lumipas ang ilang linggo, masaya si Keira pati Alfredo dahil sa munting supling na nasa kanilang bisig ng bigla itong sirain ng galit na galit na si Triton. Kaagad humarang si Keira upang proteksiyunan ang kaniyang mag-ama ngunit tinabig lamang siya ni Triton.
"Ikaw ay nagtaksil.." Sobrang lalim ng boses nito at nakakatakot. Kumikinang din ang kaniyang gintong balat. Umiiyak si Keira at nagmamakaawang wag saktan ang mag-ama niya ngunit walang naririnig si Triton hanggang sa marinig niya ang iyak ng sanggol.
" Wag, wag! nagmamakaawa ako, ako nalang ang saktan mo pero wag ang anak ko!" Pagmamakaawa ni Keira ngunit hindi siya pinansin ni Triton at dumeretso ito sa bata. Kaagat ibinaba ni Alfredo si Serephidra at hinarap si Triton. Hinampas at sinuntok niya ito ngunit balewala lang ang mga suntok niya. Kaagad siyang sinaksak ni Triton ng kaniyang buntot kung kaya napahiga si Alfredo.
"HINDI! HINDI!!! A-ALFREDO.." Umiiyak na sabi ni Keira habang pinagmamasdan ang ngayong walang buhay na asawa.
Tumingin sakaniya si Triton at mahihimigan ang hinanakit sa mga mata.
"Bakit mo ako nagawang lokohin?" Malalim ang boses niya ngunit makikita mo ang sakit. Pilit hinahanap ni Keira ang kasagutan ngunit nahugot ang hininga niya ng kunin ni Triton ang sanggol na kanina lang ay umiiyak ngunit ngayon ay biglang tumigil ng hawakan niya ito.
" Nagmamakaawa ako, ako nalang ang patayin mo at wag ang anak ko" Ang sabi ni Keira habang nakaluhod sa harap ni Triton. Tumingin si Triton sa bata at nagulat siya ng bigla itong humawak sakaniya.
"Ang kasalanang ginawa mo ay hindi matatawaran ng iyong pagkamatay. Kung kaya ang anak mo ang siyang magdurusa sa kasalanang ginawa ng kaniyang mga magulang." Saad ni Triton. Kaagad namang umiyak muli si Keira at nagmakaawa ngunit walang narinig si Triton. Biglang umulan ng sobrang lakas at kumulog.
" Ngayong gabi, isinusumpa ko sa lahat ng diyos na makakarinig ng aking kahilingan, isinusumpa ko ang sanggol na aking hawak na ang kaniyang tadhana ay sasaktan siya ng paulit ulit. Lahat ng lalaking kaniyang mamahalin ay siyang papatay sakaniya. Siya ay muling mabubuhay pagkatapos ng isang siglo ngunit siya ay iibig muli. Mag-ulit ulit ang kaniyang tadhana nang hindi binubura ang kaniyang mga memorya. Habang buhay niyang pagdadaanan ang sakit ng kasalanang ginawa ng kaniyang mga magulang. " Itinapos ni Triton ang kaniyang sumpa sa mga salitang siya lang ang makakaintindi. Muling kumulog ng malakas kasabay ng iyak ni Keira, at isang marka ang umilaw sa dibdib ng kaniyang anak. Tumingin si Triton sa kaniyang minamahal na labis siyang sinaktan.
"Ngayon, babawiin ko na ang iyong buhay" Pagkatapos sabihin ito ay kaagad niyang sinaksak sa puso ang babae at umalis dala dala ang sanggol.
"Mahal na mahal ka ni mama anak.. m-mahal na mahal ka namin ni p-papa.."
Tumingin siya sa kalangitan at nagdasal at huminga ng tawad sa panginoon sa kaniyang naging kasalanan.
"Alam kong makakaya mo yan anak, m-makakakaya mo yan S-serephidra.."
Huling salitang sinabi ni Keira bago siya bawian ng buhay.