Una

6 0 0
                                    

"Serephidra..." Napatingin ako sa likod ko nung may tumawag saakin. Si Brenda lang pala. Kaagad akong lumangoy papalapit sakaniya.

"Pinapatawag ka ni Haring Triton sa kaharian niya" Tumango nalang ako atsaka lumangoy papunta sa kaharian. Nakatira ako sa may ilalim ng kaharian dahil doon nakalagay yung bahay na itinayo saakin ni Haring Triton. Galit siya saakin dahil sa kasalanang ginawa ng mga magulang ko. Isang kasalanan kung kaya't pinaparusahan niya ako sa isang sumpa na ilang daan ko na ring dinadala.

"Pinapatawag niyo daw ho ako" Bati ko sa hari bago yumuko. Kumikislap ang ginto niyang balat. Napatingin ako sa paligid at andito ang mga kawal niya. Bukod saakin ay iba ang kanilang mga anyo. Lahat sila ay may panget na kaanyuan, mapa-sirena o sireno man.

"Alam mo na nalalapit na yung nakatakda diba?" Malalim ang kaniyang boses. Hindi siya nakatingin saakin kung hindi ay nakasilip siya sa labas ng palasyo. Kailanman ay hindi niya ako tinapunan ng tingin dahil sa pagkasuklam niya saakin.

"Opo" Nakayuko kong sabi. Mauulit nanaman yung nakaraan.

"Sige, gusto ko lang ipaalala sayo kung ano ulit ang mangyayari sayo kaya wag kang gagawa ng mga bagay na makakapahamak sakaniya" Tumango ako at tinatago yung luha na gustong kumawala sa mga mata ko.

"Opo" Pinaalis na niya ako at hindi manlang ako tinapunan ng isang tingin. Pinagbawalan niya ako na tumingin sa mga mata niya, hindi daw karapat dapat para sa isang kasalanan na gaya ko na tumingin sa mga mata niya.

Pagkadating ko sa kwarto ay kaagad tumulo ang mga luha ko at bumalik saakin lahat ng sakit. Sa tuwing nalalapit ang pagsapit ng kaarawan ko ay kailangang umibig ako sa isang tao, at ang taong yun ay ang papatay saakin. Ilang libong taon ng paulit ulit na nangyayari saakin yun. Pagkatapos niya ako patayin ay saka ulit ako mabubuhay pagkatapos ng isang siglo ngunit ang memorya at ang sakit ay nandoon pa din.

"Serephidra" Napatingin ako kay Brenda at nandoon siya, tumutulo ang luha niya kaya nginitian ko siya.

"Wag kang mag-alala Brenda, kaya ko 'to" Nakangiti kong sabi kahit walang tigil ang luha sa mga mata ko. Lumapit siya at hinaplos ang buhok ko.

"Alam mo ba kung gaano ka kaganda na halos lahat ng mga sirena at sireno ay nabibihag mo?" Ngumiti lang ako sakaniya. Kakaiba nga ang ganda ko at gaya ng mga naririnig ko sa tabi tabi, namana ko daw ito saaking ina. Meron akong asul na mata, ang buhok ko ay puti at napakakinis ng aking puting puting balat. Maganda din ang buntot ko dahil ako lang ang may makulay na buntot hindi katulad sakanila na kulay lupa.

"Hindi ko malaman kung bakit kailangan ako ang parusahan sa isang kasalanan na hindi ko naman alam" Sabi ko dahil hindi ko alam kung anong parusa ba ang ginawa ng mga magulang ko. Lumaki nalang ako na may utang na parusa sa mundo.

"Kaya tatagan mo ang iyong loob, naniniwala ako na matatapos din ito" Sabi niya bago ako yakapin. Si Brenda ay yung sirenang palaging nandiyan para saakin. Pwede ko na nga siyang tawaging ina dahil siya ang nagpalaki saakin.

"Salamat Brenda at palagi kang nandiyan para saakin" Nakangiti kong sabi, sinsero ako sa pasasalamat ko.

"Hmmm" Sabi lang niya at mas hinigpitan ang yakap saakin. Ngumiti ako dahil kahit papaano, meron pa rin palang isang sirenang nagmamalasakit saakin. Lahat kasi ng andito ay kinasusuklaman ako.

KASALUKUYAN akong lumalangoy kung saan saan para malimutan yung mga problema ko. Hindi ko alam kung sino naman ang aking iibigin dahil ang tadhana ang siyang gumagawa ng aking buhay.

Binabati ako ng mga isdang nalalagpasan ko kaya nginingitian at binabati ko din sila. Pero napatingin ako sa taas ng may nakita akong paa na hinihila ng mga sireno. Kaagad akong lumangoy papalapit doon at nakita ko ang lalaking tao. Medyo natatakpan ang mukha niya ng buhok kaya hindi ko ito maaninag.

"Anong ginagawa niyo?" Tanong ko sa mga sireno.

"Kumuha lang kami ng isang tao para may makain kami mamayang gabi Serephidra" Nakangising sabi ng sireno. Tumingin ako ng masama sakanila.

"Alam ba ni Haring Triton na isang kasalanan iyang ginagawa niyo?" Tanong ko sakanila. Ni-minsan ay hindi ginusto ni Haring Triton ang magkaroon ng koneksyon sa mga tao kaya naman ay pinagbawalan niya ang mga sirena at sireno na kumuha ng katawan ng tao. Hindi ko naman sila masisisi dahil eto ang paborito nilang kainin dahil sa sarap ng laman at halimuyak ngunit matinding parusa ang nakaabang sakanila pag ginawa nila iyon.

"P-pasensiya na Serephidra, nagutom lang talaga kami. W-wag mo sana kaming isumbong" Natatakot na sabi ng mga sireno bago bitawan ang katawan ng lalaki at lumangoy papalayo. Napailing nalang ako bago kunin ang katawan ng lalaki at lalangoy na sana paakyat ng biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Napatigil ako at napatingin sa lalaki.

'Siya na ang nakatadhana ulit saakin'

Gumalaw ang katawan niya at ididilat na sana ang mga mata ng hinalikan ko siya. Ito ay para itatak na siya ang itinadhana saakin at walang sinumang sirena o sireno ang pwedeng manakit sakaniya.

"Hmphhh--" Pagdilat ko ay nakadilat na din siya at nanlalaking matang nakatingin saakin. Pero maya maya lang ay pumikit ulit siya. Kaagad ko siyang dinala sa itaas. Ihiniga ko siya ng dahan dahan sa buhangin bago ko hinawi ang buhok niya pero nagulat ako ng makita ko ulit yung mukha ng lalaking minahal ko isang daang taon ng nakakalipas.

"L-Leonel..?"

SerephidraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon