Pangalawa

3 0 0
                                    

Pagkamulat ng kaniyang mga mata ay gulat ang agad na rumehistro dito. Nakatingin siya saakin ngayon at hindi ko mabasa ang naiisip niya.

"H-Halimaw!"Nagulat ako ng tawagin niya ako nito. Napatingin ako sa balat ko at doon ko napagtanto kung ano yung itsura ko. Sa oras kasi na umapak ako sa lupa ay nagiiba na ang anyo ko. Ang dating maputi at makinis kong balat ay napapaltan ng medyo maitim at magaspang na balat. Ang mahaba kong puting buhok ay napaltan naman ng maikli at tuyong buhok at ang mukha na siyang kinaiinggitan sa karagatan ay ngayon napaltan ng panget ng malapad na noo, pangong ilong at medyo malaking labi. Nawawala ang tunay kong anyo at bumabalik lamang ito sa oras na iapak kong muli ang akin paa sa dagat.

Tumingin ako sa buntot ko na ngayon ay napalitan na ng mga paa, nakasuot din ako ngayon ng itim na damit na hanggang tuhod.

"A-ayos kana ba Leonel?" Tanong ko sakanya at nagulat nanaman ang mukha nito.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko? atsaka--anong nangyari? Kanina lamang ay may kumuha saakin na mga halimaw, teka iniligtas mo ba ako?" Tanong niya saakin. Naninibago ako, ang dating Leonel na kilala ko ay malambing at mahinhin ang boses, hindi katulad ng Leonel na ito na nakasigaw at mahihimigan ang yabang sa boses.

"Oo, ligtas kana mula sa mga iyon"Sabi ko sakaniya. Tumayo naman siya mula sa pagkakahiga. Sinusundan ko lang ang bawat kilos niya at pinakatititigan ang pagmumukha niya.

Morenong balat, itim na itim ang kaniyang buhok, ang napakakapal na kilay na may mga sariling direksyon, ang kaniyang mata na kapag tinignan ka ay parang tumatagos hanggang sa kalooban mo, hanggang sa ilong niyang sobrang tangos at ang labi niya na napakapula.

"Done checking me out?" Napatingin ulit ako sakaniya at ngayon ay nakataas na ang kilay niya saakin.

"Hey look miss, Thanks for saving me, or I don't know if you really save me errrrr but thanks anyway. I really need to go so ahmm bye?" Sabi niya bago siya tumayo at pinagpagan ang mga buhangin sa katawan niya. Kaagad siyang lumakad papalayo kaya kaagad akong tumayo at sumunod sakaniya.

Mukhang naramdaman niya ang pagsunod ko dahil napalingon siya saakin. Kaagad kumunot ang noo niya saakin.

"Teka miss, bakit ka nasunod? Wait, are you following me? Or dito lang ang direksyon mo? Well I don't want to assume but marami kasi talaga akong stalker." Sabi niya saakin. Tumabingi naman ang ulo ko.

"Sinasabihan mo ba ako ng masamang salita?" Tanong ko sakaniya dahil hindi ko maintindihan yung ilang lengguwahe niya.

"Huh? wait what!? I mean why--bakit mo ako sinusundan?" Tanong niya ulit pero kaagad kumunot yung noo ko at nakita ko ang pagngiwi niya. Malamang sa panget kong mukha ay miski pagkunot ng noo ko ay malamang magpapangiwi sakaniya.

"Ikaw ay itinadhana saakin Leonel" Sabi ko sakaniya. Napatahimik siya at maya maya ay biglang tumawa ng malakas.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Miss HAHAHAHAHA hindi ko alam kung ano yung nahithit mo, I already thanked you for saving my life earlier but for you to think it that way HAHAHAHA" Hindi ko nanaman maintindihan ang sinasabi niya. Mamaya ay pagaaralan ko ito upang malaman ko kung pinagsasalitaan ba niya ako ng masama.

"Makinig ka saakin, ikaw si Leonel, ako si Serephidra. Nakatadhana ka saakin at pagdating sa huli ay papatayin mo ako" Seryoso kong sabi sakaniya. Napaseryoso naman ang mukha niya pero maya maya ay bigla nanaman siyang tumawa ng malakas.

"Miss I really don't want to think na may amats ka but please, stop saying those things HAHAHAHA, Hindi ko alam kung anong kdrama ba yang napanood mo pero please, not me" Sabi niya bago tatawa tawang lumakad paalis pero patuloy pa din ako sa pagsunod sakaniya. Hindi na din naman ako makakabalik sa kaharian lalo na ngayon at manghihina ang puso ko kapag hindi siya malapit saakin. Simula ng isarado ko at halikan siya kanina ay nakatakda na kaagad siya saakin. Sa tuwing mapapalayo siya ay manghihina ang pintig ng puso ko, at ganoon din sakaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SerephidraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon