PROLOGUE

33 2 0
                                    


T'was a tough day.

I mean a really bad day.

And tiring

You know what's worst?

Paulit-ulit na lang na ganito.

Same cycle, same daily routine.

Nakakapagod.

Nakakasawa.

Nakakaumay.

And the feeling of living like a survivor each day really sucking me up.

It feels like living in a black hole.

Sunrise, morning glory, messy bedsheet, unhealthy breakfast, work loads, toxic people/work mates and struggles are my day to day basis.

But here I am, nothing I can do but to go with the flow.

Nakasakay na'ko sa bus papauwi at sa kalagitnaan ng traffic ganito ang thoughts ko.

Sa tabi ako ng bintana nakaupo, favorite spot sa kahit anong vehicles.

I see different people with their own scenarios.

Ang mga vendors na panay ang sigaw at pag-aalok ng kanilang mga paninda,

ang mga dumadaan na hanggang tingin lang sa mga tinda,

ang mga takatak boys at basahan vendors na umiikot sa gitna ng traffic

ang mga taong naghihintay ng masasakyan, 'yung iba bakas sa mukha ang pagod, 'yung iba bakas ang kasiyahan

ang mga mag-iirog na ine-enjoy ang paglalakad habang magkahawak kamay, 'yung iba mag-isang naglalakad habang naka-earphone

At ang nakaagaw ng aking atensyon ay 'yung isang tao na sa palagay ko ay pulubi at palaboy base sa kanyang itsura, kasalukuyang nakasandal sa malaking poste at matamang nakatingin sa kalangitan habang nakangiti.

Tiningnan ko ang parte ng kalangitan na kanyang tinitingnan.

Normal lang ang kulay asul na langit para sa oras na ito, napapaligiran ng ilang bituin, usual lang kung tutuusin pero 'yung mga ngiti n'ya genuine, para bang naaapprecciate n'ya 'tong maliit na bagay at napapasaya na ang buo n'yang pagkatao.

Napahinga ako ng malalim.

Mabuti pa s'ya nakukuhang ngumiti ng gano'n inspite of his situation. He could easily appreciate little things.

Umandar na ang mga sasakyan at dire-diretso na ang daloy.

Naipikit ko ang mga mata 'cause I really feel sleepy and tired.

Naramdaman kong nakatulog ako nang bigla na lang,

Parang nagsirko ang mundo,
narinig ko ang sigaw ng mga tao, ang mga kabi-kabilang busina ng mga sasakyan at ang likido na umaagos sa aking mukha.

Gusto ko mang imulat ang aking mga mata para makita ang nangyayari pero hindi ko magawa, wala akong lakas at para akong mauubusan ng hininga.

We probably got into accident.

Pinilit kong imulat ang mga mata ko at igalaw ang katawan ko

Pero hindi ko kaya.

This is my last day isn't it?

I could feel it. Parang any moment  bigla na lang hihinto sa pagtibok ang puso ako at hihinto sa pag-function ang utak ko.  Nagflash back na lang sa'kin 'yung mga nangyari awhile ago, nangyari over the past years, childhood memories, memories with my family, friends and workmates.

I cried as I was gasping for breath.

And as expected I breathed my last.

"So many things become beautiful when you really look."
- Lauren Oliver

ABOUT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon