CHAPTER 1

35 2 0
                                    


Napabalikwas ako ng bangon habang hawak-hawak ang aking dibdib at hinahabol ang paghinga

"Shit na panaginip 'yun" bulalas ko nang nahabol ko na ang aking hininga

Hindi ko napansin na may tumutulo na palang luha mula sa mga mata ko hanggang sa tuloy-tuloy na ang agos nito.

Nasapo ko ang mukha ko at umiyak lang nang umiyak hanggang sa gumaan na ang pakiramdam ko.

The fudge! Ang akala ko talaga mamatay na'ko. Totoong-totoo ang mga scenarios.

Detalyado pati ang mga memories ko sa panaginip ko.

Kahit pala anong sabi ko na handa ako 'pag nandon ka na sa sitwasyon na 'yun, takot ang una mong mararamdaman.

Pinilit kong i-compose ang sarili ko at kinuha ang panali sa buhok na nakapatong sa side table ng kama ko at tsaka pinusod ang aking buhok.

Pinunasan ko ang mga luha ko
"Panaginip lang 'yun Dems! It will never happen. Hindi mo pa oras." Sabi ko sa sarili ko

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at tsaka lumabas ng kwarto.

Pero pagbukas ko ng pinto

Laking gulat ko nang makita ko sina Mama, Papa at Dylan sa labas ng kwarto ko at gulat din ang mga expression nila, pero mas nakakagulat ang hawak na cake ni Dylan na may nakatusok pa na kandila.

Natahimik sila at nagkatinginan.

"ah----eh" uutal-utal na sabi ni Papa

"Uhmm Happy Birthday Anak!" Si Mama habang nakangiti

I was dumbfounded

Ano 'tong eksena nila?

Ba't may pa-surprise sila?

"Happy birthday Prinsesa namin!" Si Papa at hinalikan ako sa pisngi

Nananatili pa rin ako sa kinatatayuan ko at nagtataka

Nilapit sa'kin ni Daryl ang cake "wish na ate"

Ano bang nangyayari? We've never been like this before and since then.

And isa pa hindi ko birthday ngayon.

"A-ano po ito? B-birthday ko? Birthday ko ulit? Haha grabe 'tong prank na'to"
'Yun na lang ang tanging na sabi ko habang tatawa-tawa.

"Hay ang anak namin sa sobrang busy sa trabaho nakalimutan n'yang birthday n'ya ngayon" Mom pouted

Napailing ako habang tumatawa.

"Tama na po ito. 3 months na ang nakalipas nang magbirthday ako remember? And hindi nating ugali na mag-surprise ng ganito every occasion"

Hindi sila umimik.

Sila naman ang nagtakha at nagkatinginan

"Anak? Kami ang ginu-good time mo eh" seryoso ang pagkakatanong ni papa.

"Osige baka hindi ka comfortable sa ginagawa namin. Hintayin ka na lang namin sa baba. Mag-ayos ka na muna ng sarili mo." Ngumiti si Mama

"Sa baba na lang mo na lang i-blow ang candle mo Ate hehe"

Napakamot na lang ako sa ulo ko at pumasok na lang ulit sa kwarto.

Ano bang nangyayari sa kanila?

Birthday ko ngayon? Psh. 3 months ago nung mag-birthday ako at wala namang naganap no'n. Kung naisip nilang bumawi or make something different para saan pa? Eh lumaki kami ng ganito. Lumilipas lang sa'min ang mga birthdays at iba pang occassions na hindi naman nagse-celebrate.

ABOUT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon