Pinanonood ko lang silang kumain habang may pagtatakha pa rin sa aking mukha.
Pinaglalaruan ko lang ang hawak kong kutsara at tinidor.
Salitan-salitan lang tingin ko sa kanila, kay Papa, kay Mama, kay Dylan at dito sa katabi ko na kine-claim na boyfriend ko raw.
Kahit wala silang sinasabi, bakit gano'n? Ramdam ko na masaya sila, ramdam ko ang saya sa mga puso nila? My goodness! Ano ba talagang nangyayari? Paulit-ulit ko na lang na tanong pero wala naman akong makuhang sagot.
Napako ang tingin ko kay Dylan. Nasa pagitan s'ya nina Mama at Papa na katapat namin nitong Elijah.
Ramdam na ramdam ko ang saya sa mga mata n'ya. Madalas kami lang ang magkasabay kumain, madalas kami lang dalawa ang nagse-celebrate ng birthday n'ya at birthday ko na hindi nalalaman ng parents namin.
Galing noh? Buong pamilya nga kami at iisang bahay ang tinitirhan pero hindi namin ramdam ang isa't-isa I mean hindi namin ramdam na may magulang kami. Hinayaan kami na mabuhay na lang sa sarili naming mga paa, kulang na lang paalisin kami sa bahay at hayaan na lang mamuhay indecently. They didn't bother to attend any event in our school activities that need their participation and meetings, sa lahat ng graduations ko isang beses lang sila naka-attend nung natapos na'ko sa college halos patapos na ang ceremony nung dumating sila. Throughout my life I'd been trying to stand by my own kahit alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kaya, na kailangan ko pa ng guidance nila. They are good provider, yes, but never the best parents, worst indeed.
That's why never kong pinabayaan si Dylan sa kahit anong event or okasyon sa school never akong nag-hesitate na magpunta 'pag kailangan ng parents. Ayokong makita ang sarili ko sa kanya, nandito lang ako lagi para sa kanya, lagi kong pinaparamdam na hindi ko s'ya iiwan at kayang kong punan ang malaking pagkukulang ng mga magulang ko. We've been yearning for their love and care, pero bakit hindi nila maramdam na kailangan namin nu'n? Na kailangan namin sila? Na ang lapit-lapit namin sa kanila pero parang ilang metro ang layo namin sa kanila?
Kaya ano 'tong pinapakita ng magulang ko ngayon? Isang masaya at perpektong pamilya? Bumabawi sila? Para saan pa? At itong kapatid ko? Bakit ang saya n'ya? Bakit parang natutuwa s'ya sa pinaggagawa nila? Hindi n'ya ba alam na walang ka-ide-ideya 'yang dalawa na na-biktima s'ya ng bully nung high school at walang kaalam-alam na halos magpakamatay s'ya dahil du'n? I did everything to save and protect Dylan mula sa malungkot na buhay, sa malupit na mundo at sa kanila.
Tama! Isang kalokohan lang 'tong nangyayari ngayon, hindi sila ang mga magulang ko.
Lalo lang nadaragdagan ang galit at pighati sa puso ko.
"Ate? Okay ka lang?" Tanong ni Dylan.
Hind ko napansin na tuloy-tuloy pala ang daloy ng mga luha sa pisngi ko.Pinunasan ko ito at tumayo.
"Masama ho pakiramdam ko, magpapahinga na'ko"
Iniwan ko lang sila na nakatingin sa'kin at hindi makapaniwala sa mga kinikilos ko.
Pumasok ako sa kwarto at ni-lock ang pinto at dumiretso sa higaan.
Gusto kong matulog at para paggising ko okay na lahat, bumalik na sana sa normal ang lahat.
Sana. Sana. Sana. Dahil hindi ko kayang sakyan 'tong mga nangyayari.
~~*~~
Nagising ako sa sunod-sunod na katok na nagmumula sa labas.
Agad akong tumungo ako sa pintuan at binuksan ito.
Si Dylan.
Hinayan ko s'yang makapasok at ako bumalik sa kama.
BINABASA MO ANG
ABOUT TIME
General FictionWhat if may mangyari na hindi mo inaasahan Pangyayaring babago sa takbo ng buong buhay mo, Nagsabwatan ang realidad at ilusyon para linlangin ka. Are you willing to go with the flow or go against it?